GILMARIE POV It's already 1:00pm nang dumating si Heather sa isla. Sakay siya ng sariling yate niya na si Daddy rin naman ang nagbigay. Agad naman akong nginitian nito nang magtagpo ang mga landas namin. Matatalim na tingin naman ang iginanti ko sa kaniya. How could she smile like that knowing na may balak siyang sirain ang kung anong mayroon sa Amargo? "Nice to see you again, sis," pagbati nito sa akin. Hindi ko naman napigilan ang mapatingin sa paligid namin at halos lahat ng naroon ay nakatingin sa gawi namin. Maybe thinking na pinapunta ko si Heather dito para sa bayad sa isla o kung ano pa man. Akma namang bebeso si Heather sa akin nang agad kong iiwas ang sarili ko. Napangisi naman ito dahil sa ginawa ko kaya awtomatikong tumaas ang kilay ko. "Ganyan mo ba talaga salubungin ang ka

