GILMARIE POV “Ate, tara na at maligo,” pag-aaya sa akin ni Ariella sa hindi ko na mabilang na beses. Tinutulungan ko pa kasi si tita Amelia sa pag-aasikaso ng rekado na ilalagay raw sa loob ng iihawing isda kaya hindi ko mapagbigyan si Ariella na naliligo na ngayon. “Sunod lang ako,” sabi ko naman at saka siya nginitian. Nakita ko naman kung paanong sumama ang mukha nito dahil mukhang inaasar siya ni Kael na kasama niyang naliligo at saka ako nginitian din pabalik. “Sige na, Clement. Maligo ka na roon at kami na ang bahala rito," ani tita Amelia sa akin. "Kaya naman tayo nagpipicnic ngayon ay para makapag-enjoy ka." Alanganin naman akong ngumiti. "Hindi ko pa naman po kasi feel na maligo, tita. Gusto ko na lang din po sana tumulong muna." Napangiti naman si tita Amelia sa sinabi ko.

