GILMARIE POV 6 months later... "I already talked with my designer friend about your wedding gown, may gusto ka pa raw ba ipamodify sa design na sinend niya sa 'yo?" Heather asked me. Agad ko naman na nasapo ang noo ko dahil nakalimutan ko ang tungkol sa bagay na 'yon. We are in constant communication with our wedding organizer tungkol sa venue, flowers, church, and even sa mga susuotin ng pamilya namin ni Alphrase para sa nalalapit na kasal naming dalawa kaya nakalimutan ko ang tungkol sa sariling damit ko. Iyong sa simbahan kasi ay hindi pa talaga nafafinalize. Gusto ko rin talaga kasing maikasal sa simbahan sa Sagrada pero mahihirapan naman kaming dalhin lahat ng gusto naming guest para sa kasal namin. "You forgot," ani Heather at saka umismid. "I'm sorry, titignan ko agad," sago

