GILMARIE POV Napahinga ako nang malalim habang nakatingin sa mga taong masaya pa ring nagsasalos-salo sa kaparehong mesa na ginamit namin kaninang hapunan. May iilan sa kanila ang umuwi na, mayroon ding nanatili dahil nagkaayaan na magkainuman ulit. Marami rin ang humingi ng pasensya sa akin dahil sa mga naging sama ng loob nila sa akin. I assured them na wala na sa akin 'yon. With that, I am once again happy dahil at peace na ulit ang loob ko rito sa Amargo. Ibinalik ko na sa dagat ang tingin ko. The sound of the waves meeting the shore once again lingered in my ears, creating a harmony na kaysarap pakinggan. Mas pinakakalma nito ang loob ko at inaalis nito ang bigat na nararamdaman ko kanina. I took a sip of the tuba wine I am holding in a plain glass. With what happened earlier, ma

