GILMARIE POV "At ang nanalo sa ating patimpalak sa pagkanta ay sina Alphrase at Ariella," sabi noong host kaya agad naman na napapunta sa stage ang magkapatid. Napatalon-talon naman ako nang bahagya dahil sa nangyari, maging sina tita Amelia ay masayang-masaya sa announcement. Napuno ng palakpakan ang lugar lalo pa at karamihan din talaga ng nandito ngayon ay mula rito sa Amargo. Nagstay pa kami hanggang sa pag-aanunsyo ng nanalo sa beauty contest and even though Kamisha only made it as 1st runner up ay hindi na rin masama. Iyong nanalo ay ang kandidata ng Sagrada. "Para naman sa first dance ng mga nanalo sa ating beauty pageant, muli naming inaanyayahan ang magkapatid na Alvarez para sa isa pang awitin." Muli namang naghiyawan ang mga nasa paligid namin. Sa gulat ko naman ay si Ariella l

