GILMARIE POV Hindi ko napigilang mailang sa pagkilos habang kumakain kami ng tanghalian kasabay ang buong pamilya ni Alphrase, si Honey, at Andrius. Kanina pa sila nagkikwentuhan sa hapag ngunit hindi ko magawang makisali dahil nakaantabay sa akin ang mga mata ni Ariella kada mag-aangat ako ng tingin. Kada maaalala ko ang nangyari kanina, sa kung paano nito nakita si Alphrase sa loob ng kwarto ko, sa kung paano ko itanggi na nakita ko si Alphrase, at sa kung anong naiisip nito tungkol sa amin ng kuya niya, pakiramdam ko ay para akong lalagnatin. "Clement hija, kanina ka pa walang kibo," puna ni tita Amelia kaya napaangat ako ng tingin sa direksyon niya. "Ayos ka lang ba?" Alanganin akong natawa at saka napakamot sa batok ko. "O-Opo, tita. Ayos lang po ako." "Mukhang nabitin ang tulo

