GILMARIE POV Nitong mga nakaraang araw ay naging sobrang abala ako sa trabaho. Tinapos ko na ang mga dapat kong tapusin bago ako tuluyang umalis papuntang Amargo. I may have an idea kung ano ang ganap sa pamilya ni Alphrase roon but I don't have the slightest idea kung may signal na ba sa isla o wala pa. I told Clarisse to keep me updated and that I'll do my best to attend to it immediately. Nakausap ko na rin si Rosh at gaya rin ng naging reaksyon ni Andrius, tinanong din ako nito kung sigurado na nga ba ako sa desisyon kong sumama sa isla. I assured him that I'll be fine at kung hindi na makakayanan ang sakit ay aalis na rin ako agad ng Amargo. Sinabihan pa ako nito na magsabi sa kaniya kaagad kung may hindi magandang mangyayari at siya raw mismo ang kukuha sa akin sa islang 'yon. I f

