CHAPTER 19

2214 Words
GILMARIE POV "Angat! Angat! Hila!" Agad akong napabalikwas ng bangon dahil sa ingay sa labas ng bahay. I looked at my phone to see kung anong oras na and I was surprised to see na 7:00 am palang pero may kung sino na ang nagsisisigaw sa labas! "Sana pwede magteleport pabalik ng Manila," bulong ko bago tuluyang bumangon I did my morning routine saka tuluyang lumabas para tignan kung bakit may pukpok nang pukpok sa kabilang bahay. Naabutan ko si Alvarez at kung sinong mga lalaking kasama nito na abala sa paggawa ng bahay na halos katabi lang ng tinutuluyan namin. Abala ang dalawang lalaki sa paghila ng tali ng ididingding sa bahay habang si Alvarez naman ang tila nagsusupervise sa kanila sa kung ano ang gagawin. Mayroon ding taong nasa ibabaw ng frame ng bahay at nagpapako ata ng mga kahoy roon. Nang mapunta sa gawi ko ang tingin ni Albvarez ay tinaasan ko siya ng kilay. Tinitingin-tingin mo?! "Ma'am, sorry kung nagising ka namin. Kailangan na kasing matapos 'tong bahay nila Tatay Leandro eh," saad ni Alvarez. Agad ding napatingin sa gawi ko ang mga kasamahan niya. Ang iba'y nangingiti pa. Hindi ko naman alam kung anong dapat kong maging reaksyon kaya nag-iwas ako ng tingin.  "Girlfriend mo ba 'yan, Al-Al?" tanong noong isa. Now, who is Al-Al? "Hindi uy! Amo ko 'yan. Anak ni Sir Hanwill 'yan," sagot ni Alvarez na tila diring-diri sa idea na girlfriend niya ako. Hindi ko naman napigilang ismiran siya dahil sa reaksyon niyang 'yon. Akala mo naman talaga ay siya pa ang luging-lugi ngayong napagkamalan akong girlfriend niya. Duh!  "Ay, iyon bang Saavedra? Ang laki na pala ng anak niya, ano? Noong unang pumunta 'yan dito, eh, napakaliit pa," saad nung isa na de hamak na malayo ang agwat ng edad sa kanila. Kung hindi ako nagkakamali ay baka ka-edaran ni Daddy ang isang 'yon. Natawa si Alvarez. "Hindi na nga niya tanda na siya'y pumarito na sa Amargo dati, tatay Le," aniya. Hindi ko naman alam kung dapat ko pang ungkatin ang bagay na 'yon dahil hindi ko naman natandaan na nagawi na ako sa isla na 'to noon. If that's true, I doubt na tumagal ako rito. Ni hindi ko nga alam na nag-eexist ang lugar na 'to sa mapa ng Pilipinas, eh. Naging abala pa sila sa pag-uusap ng mga bagay-bagay kaya minabuti ko na lang na umalis. Masasayang ang oras ko kung patuloy akong makikinig sa usapan nila. Based on their looks, mukha naman silang mga harmless but still, sa lagay ko ngayon, hindi ko na alam kung sino pa ang dapat kong pagkatiwalaan kaya ayokong makihalubilo.  Nanuod na lang ako ng TV dahil wala akong ibang magawa. I can't clean the house and I can't cook either. Ang tanging gawaing bahay na alam kong gawin ay maghugas ng pinagkainan but how can I do that kung wala namang huhugasan, right? Hindi pa naman ako ganun ka-bored para hugasan ulit ang mga platong nahugasan na. "Ate Clement!" tawag ni Ariella mula sa labas. "Ariella!" tawag ko pabalik habang abala sa pagtingin sa aking kuko sa kamay at paa. I need a manicure and a pedicure! "Ate Clement!" muli'y tawag nito. "Ariella!" tawag ko pabalik.  "Ate—" "Sige, para tayong tanga," sabay kaming nagtawanan sa kalokohan naming dalawa. "Why are you here?" tanong ko. "Naks! English!" pang-aasar nito. I rolled my eyes at her. "I'm for...I here...I'm—punyeta hirap ng english ate! Tatanungin ko lang naman kung sasama ka sa signalan dahil pupunta ako roon pero nagbago na isip ko kasi—" I cut her off dahil tila may magic word sa sinabi nito.  "Signalan? You mean, may lugar dito na may signal?" tanong ko. This time, siya ang umirap. "Oo naman, ate!" "Finally! A civilized area! Let's go," aya ko sabay hila sa kamay niya palabas ng bahay.  Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Alvarez nang makitang magkasama kami ni Ariella. Marahil ay nagtataka kung bakit kami magkasama o kung saan kami pupunta ng kapatid niya. Huminto muna si Ariella sa harapan niya kaya ay napahinto rin ako. Malay ko ba kung nasaan ang signalan, diba? I need Ariella. "Saan ga punta niyo?" tanong ni Alvarez sa kapatid niya.  "Signalan, kuya. Mukhang kailangan na rin ng signal ni Ate Clement," saad ni Ariella.  Tumingin muna sa gawi ko si Alvarez. Nang makita kong minata ako nito mula ulo hanggang paa ay tinaasan ko siya ng kilay. Binalik niya kay Ariella ang kaniyang paningin at hindi man lang ininda ang pagtataray ko sa kaniya. "Ingatan mo 'yang kasama mo, hindi sanay sa akyatan 'yan," sabi ni Alvarez kay Ariella.  "Kaya ko siya hilahin pataas kuya pero pag pababa na? Ipapagulong ko na lang pag hindi na niya kaya," sabi ni Ariella sa kuya niya. Sabay pa silang humagikgik. "Kapatid nga kita," ani Alvarez at saka ginulo ang buhok ng kapatid "Sige, kunwari na lang wala ako rito. Adjust ko na lang pandinig ko, nakakahiya sa inyo eh," pagtataray ko.  Hinampas ako ni Ariella sa braso. Aba't! Nag-aate pa sa akin ang batang ito kung hahampasin lang din ako! "Joke lang ate!" saad nito saka muling lumingon kay Alvarez. "Alis na kami kuya, hindi kami magtatagal promise!" dagdag pa nito.  Hinawakan niya na ang palapulsuhan ko at saka ako hinila ngunit hindi pa kami nakakalayo ay muli siyang lumingon sa gawi ni Alvarez. "Kuya, nariyan na nga pala si ate Kamisha! Baka lang naman gusto mo mag-hi!" bakas sa tinig ni Ariella ang pang-aasar.  Tumingin ako sa gawi ni Alvarez at tumawa lang ito sa tinuran ng kapatid. Napunta sa akin ang mga tingin niya. "Ingat, ma'am!" agad naman akong tumalikod dahil naiinis ako sa ngiti niyang hindi na nawala-wala. Habang naglalakad kami ni Ariella ay tuloy-tuloy lang ang naging pagdadaldal nito tungkol sa Amargo. Napag-alaman ko na hindi lang maliit ang islang ito dahil may mga karugtong itong dalawang bayan sa bandang likuran. Ang Sagrada kung nasaan ang palengke at iba pang pamilihan at ang Kinse Dias na nagsisilbing pinakasentro nila, na hometown din ng mommy ko. Nagulat pa si Ariella nang malamang hindi ko alam na karugtong ng Amargo ang lugar kung saan nakatira si mommy noon. Hindi ko magawang masabi ang nangyari sa pamilya namin kaya ay hindi ko na talaga nalaman ang tungkol dun. Doon lang din nabigyang linaw sa akin lahat, na baka kaya napapadpad ng Amargo si Daddy noon ay dahil pinupuntahan niya si mommy sa Kinse Dias. Nakakatawa lang na sa kabila ng ganung relasyon nila, ang dali nilang nasira. Hanggang sa makarating kami sa signalan ay ramdam ko na ang pait sa kalooban ko. Mataas ang lugar ng signalan at tunay na nahirapan akong akyatin dahil mabato ang daan bago makarating sa tuktok. May lighthouse rin doon at may iilang kahoy na ginawang upuan. Napatingin din ang iilang taong naroon sa tuktok sa gawi namin ni Ariella. Binati naman sila ni Ariella dahil mukhang kilala niy naman ang mga ito. Hindi naman nakapagtataka dahil sadyang maliit lang talaga ang Amargo. Kahit sa loob ng isang oras ay kaya mong kabisaduhin ang pangalan ng lahat ng taong narito.  My eyes wandered around the place. I was shocked—amazed rather, sa kung gaano kaganda ang tanawing nakikita ko ngayon. "Wow," I whispered. "Ang ganda ng Amargo, ano, ate," ani Ariella sa akin. Wala akong ibang nagawa kundi tumango at sumang-ayon sa sinabi nito. Ang dalawang magkabilaang parte ng isla ay mayroong rock formation na tunay na kamangha-mangha. Ang isa'y naroon sa kabilang dulo at ang isang rock formation ay iyong kinaroroonan namin. Napakalinis din ng dagat sa lugar na ito, tunay na kaysarap liguan. Hindi rin gaya sa Manila, punong-puno ng halaman at mapuno pa ang Amargo. Maybe, being uncivilized is a blessing after all. "Heto yung lugar na inaayawan mo, ate," bulong ni Ariella sa akin, bahagya akong natawa sa tinuran niya. "Dun lang ako," turo niya sa isa sa mga kahoy na upuan, agad naman akong tumango. Nilibot ko pa ang tingin ko sa lugar saka gaya ng ginawa noon ni Alvarez ay nilasap ko ang malinis na hangin ng isla. Somehow, this place gave me the comfort and peace I needed. Hindi ko na rin maalala kung kailan ko huling naramdaman ang mga emosyon na ito. I know, may nagbago sa akin paglatapos ng lahat ng nangyari. I started protecting myself a lot more dahil wala akong kilalang mapagkakatiwalaan. Kahit sa islang ito, napaparanoid ako na baka pati rito ay umabot ang balita tungkol sa akin. Hindi naman nakakapagtaka dahil may area pala rito na may signal and I am sure, hindi naman bago sa kanila ang social media sites.  Nang makabawi, agad kong kinuha ang phone ko at saka tinawagan ang numero ni Daddy. Nakatatlong ring iyon bago niya sinagot. "Hija," bungad niya. "How are you?" I rolled my eyes. "Not fine, Dad," sarkastikong sagot ko. Aminado ako, masama pa rin ang loob ko sa kaniya but I have to get an update sa kung kailan niya ako balak pauwiin kahit pa nangako si Alvarez na after three months ay ibabalik niya na ako sa siyudad, I needed an additional assurance.  "Three months won't kill you, Gilmarie. Just endure it," he said and I heard him sighed. "You created a very big mess, hija. Makakaapekto sa business at apelyido natin kung hindi ka lalayo rito," dagdag pa nito. Mapait naman akong napangiti dahil sa tinuran niya. Of course, business at reputasyon ng pamilya. Of course. Walang bago.  "Dad, hindi ko naman ginusto lahat. I told you, hindi ko na rin alam ang nangyari," helplessly, I said.  I took a deep breathe nang maramdaman ko ang pangingilid ng luha ko. "Hindi ko hininging mabastos ako nung gabing 'yon at magkaroon ng scandal the next day! I can't even remember kung paano ako napunta sa hotel room na 'yon!" I minimized my voice but my conviction's remained. Ayokong makakuha ng atensyon ng ibang tao dahil baka mag-umpisa pa silang halungkatin ang buhay ko. I want a peaceful life for now, pahuhupain ko muna lahat because everything's damn too much.  I heard Dad sighed. "Kung sana ay hindi ka nagsusuot ng mga revealing na damit kada pupunta ka ng bar—" I scoffed. "Wow! Now you're blaming my choice of clothes to wear kung bakit ako nabastos?! You're problematic, Dad!" Now, how is my choice of clothes for myself an issue here? Hindi ba dapat ang kinagagalitan niya ay ang taong nambastos sa akin?! Kahit ano pa ang suot ko, kung may respeto sa akin ang taong 'yon, he won't harassed me! Walang kinalaman ang damit ko sa kakulangan niya ng respeto!  "Gilmarie! Where's your respect?! Ang sinasabi ko lang ay dapat nag-ingat ka!" singhal sa akin ni Dad.  "Nag-ingat ako, Daddy!" I said, helpless. Pinipigilan kong mas lumabas pa ang nararamdaman ko so I cried silently. "Pero wala akong laban kung dr-in-ug ako!" "Wala ka pang patunay riyan," ani Daddy. Wala naman akong nagawa kundi ang ikuyom ang kamao ko sa galit. I am not dumb, alam kong hindi ako lasing noong mga oras na 'yon. I was drugged. I don't know kung sino ang pasimuno or what kind of drug ang ginamit sa akin but I am certain, I was. Kung pinayagan lang din ako ni Daddy na magpadrug test, malalaman niya but he won't allow me because things can get worse when the result will come out.  "Masyado nang mataas ang nararating ng business natin, ang boyfriend mo naman ay isa ring celebrity, don't make things worse for everyone, Gilmarie—" "Kaya hahayaan n'yo na lang din na manahimik lang ako sa pambabastos sa akin para lang maisalba ang pangalan ng pamilya natin?! Dad, anak mo pa ba ako?!"  "All I am asking is for your to keep silent for now at kapag tama na ang oras, aayusin ko lahat—" "You don't tell someone who has been sexually harassed to wait for the perfect time because perfect time doesn't exist!" I exclaimed. "You're clearly avoiding the problem rather than dealing with it, Daddy, and I am so freaking disappointed kasi alam ko na kung si Heather ang nasa lugar ko, hindi magiging ganito ang gagawin mo! Daddy, anak mo rin ako!" "Kaya nga iniingatan kita—" I cut him off.  "No! You're not protecting me, you're neglecting me of my rights para makuha ang justice na deserve ko!" I took another deep breathe at saka muling mapait na ngumiti kahit pa alam kong hindi rin iyon makikita ni Daddy.  "Ito na ang huling beses na magpapaliwanag ako sa inyo. Nagsasayang lang ako ng oras at laway dahil kailan naman ay hindi naman kayo maniniwala sa akin."  I ended the call. Magalit na kung magalit si Daddy at masabihan na akong walang respeto but I needed to end the call because he's taking away my sanity, once again. This is nothing new. Kahit noon pa naman ay hindi niya naman nagawang protektahan ako. Kahit noon pa naman... Naramdaman ko naman ang kamay ng kung sino sa likuran ko, hinahagod 'yon but I was too clouded with my emotions kaya hindi na ako nag-abala pang lumingon.  Hinayaan ko na lang ang sarili kong lamunin ng nararamdaman ko. I cried silently till I can't cry anymore.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD