"Ang pond ay mahilig makipaglaro sa mga tao na gusto nilang malaman: ang mga nangyayari noon , mangyayari ngayon , at ang mangyari pa sa kinabukasan . " Sabi ni Katya ng sila ay naglakbay na patungo sa kinaroroonan ng Oracle na nanirahan sa pond . Ang pond o dagat-dagatan o lagoon ay nakatago sa Isang sulok ng mga punong kahoy sa kabilang bundok ng Sherman hill. Ito ay tinatawag na Alimatok . "Minsan pumupunta ako doon para lang makipag-usap sa kaniya--" "Makipag-usap ? " putol ni Lucas . "Oo, nakatira kasi sa loob ng pond ang Isang Oracle - mas matanda pa kaysa mga punong kahoy sa paligid Niya . Mas matanda pa sa engkanto at kapre na nananahan sa lugar . Kaya , lahat ng mga pangyayari ay nakikita na Niya at ...may pagkakataon na ipakita Niya ang mga mangyayari . " paliwana

