Isabelle ....
Tuluyan na akong dinakma ng takot ng marinig ko ang kasaysayan ng aking mga magulang .Kung ang aking ina ay Isang sirena , ang ibig sabihin nito ay may sirena rin ako . Hindi lang ordinaryong sirena ang aking ina , Isa pang prinsesa .
Kung nahatulan ng kamatayan ng Hari ng karagatan si Carmela - ang sea witch , ang ibig bang sabihin nito ay namatay siya , kasama ang ipinagbuntis Niya ? Kung gayon , sino ang gumugulo sa akin na kamukha ko ...
Sino ang sirenang umaawit ? Sino ang tumatawag sa akin ? Hindi ko maiwasan ang iugnay ang pangyayari noon sa kasalukuyan Kong buhay .
Hindi ako makapaniwala na ang dating mga na nababasa ko sa libro , ang dating nakikita ko sa pelikula ay may katotohanan pala .Hindi lang sa ito nasaksihan ng aking lolo at lola , hindi lang kuwentong bayan , kundi parte pa ng aking buhay . Anak ako ng sirena ? Unbelievable !
"Lolo , alam ba ng mga tao na --" mabilis na umiling ang kaniyang lolo . " Wala , walang nakakaalam sa tunay mong pagkatao Isabelle ..." bahagya itong tumigil . " Maliban na lang Kay Tandang Isko na ngayon ay namayapa na . "
Paano kaya naitago ang katauhan ng aking ina, gayong nakipag-away si Carmela sa kaniya. Hindi ba ito nabununyag sa maliit na Sitio ?
"Sino si Tandang Isko ?"
" Siya ay Isang matandang may kaalaman sa Mahika - kahit papaano ay kaya niyang gumawa ng anteng-anteng na pwedeng kumontra sa masasamang Espiritu . " Sabi ng kaniyang Lolo .
" You mean , masamang espiritu si Carmela ?"
"Masamang sirena , oo . Tao man , sirena , lamang-lupa , duwende, engkanto , ay pare-pareho lamang apo , may masama at may mabuti . "
Hindi pa rin bumabalik si Lola mula sa kuwarto nila ni Lolo Celso, halata na nasasaktan siya habang ikinukwento ang kasaysayan ng anak Niya na si Damian , ang aking ama .
" Lolo !" lalo akong napamaang sa sinabi ni Lolo sa akin ," Ang ibig mo pong sabihin ...ay hindi lang ang sirena ang meron tayo sa mundo ? May mga engkanto rin at lamang-lupa , duwende at ano pa po iyon ? " agad na tanong ko sa kaniya .
"Tama ka Isabelle , maraming kababalaghan sa mundong ibabaw , kung ang akala mo ay ang mga bagay na nakikita mo sa ating mata ay siya lamang ang nanirahan sa mundo ..." umiling si Lolo Celso . " Hindi totoo iyan , maraming mga bagay na hindi pwedeng ipaliwanag ng siyensya apo ..."
Tumayo si lolo at kinuha Niya ang portrait ni ina at ni ama , na nakasabit sa dingding . " Kahit ang tao ay nakarating na sa buwan , kahit ang tao ay gumawa pa ng sariling planeta ...hindi maitatanggi na may mga bagay na hindi nila kayang ipaliwanag ... " malungkot na sabi ni Lolo Celso.
Hinawakan ko ang kamay ng Lolo . " Pasensya ka na lo , pasensya na kayo ni Lola ...kung muli kayong nasaktan dahil sa pag-aalala sa nangyari sa inyong anak ," malungkot Kong sabi .
Umiling si Lolo Celso ," Huwag mong isipin iyan apo , hindi mo naman kasalanan ang lahat . Wala Kang kasalanan ..." Tinitigan ni Lolo ang portrait ng aking ina , pagkatapos ay sinulyapan ako ," Isabelle ...In a few days ... you will be turning eighteen ...maghanda ka --- " naramdaman ko ang pangamba ng kaniyang boses . Nakikita ko rin sa kaniyang mga mata ang hindi maitatago na pag-aalala .
Hinintay ko na tapusin Niya ang kaniyang sasabihin . " Anak ka ng sirena ..." he paused .
" Malamang ...darating ang araw na magiging sirena ka rin ...iyang mga bagay na nakikita mo , maaring tanda iyan na ikaw ay ...malapit ng kukunin ng dagat ." malungkot ang tinig ni Lolo Celso .
Napasinghap ako sa aking narinig ...hindi ko naisip ito , " No , ayoko po , lo .." agad ko namang idinagdag ng maalala ko si Lucas . Ayaw ko siyang Iwan ...
"Lucas .." I muttered to myself . Paano ko sasabihin Kay Lucas na ...anak ako ng isang sirena ! Bigla akong nanlamig at nataranta , paano kung hindi Niya ako matanggap?
"May sinasabi ka ba , apo ?" siguro, nauulinigan ni Lolo ang aking sinabi .
Umiling ako , hindi ko pa nasasabi sa kaniya , sa kanilang dalawa ni lola ang tungkol sa amin ni Lucas .
"Ang ibig ko pong sabihin ay ayaw Kong maging sirena , ayaw Kong Iwan kayo ni Lola ..." At ayaw ko ring Iwan si Lucas - I silently added .
"Hmmn...ayaw rin naming malayo sa iyo Isabelle ...iyan ang dahilan ng lola mo , kung bakit matagal niyang inilihim sa iyo ang tunay mong pagkatao . Naisip Niya na hindi mo na Kailangan na malaman pa ang totoo , tutal ...patay na ang iyong mag magulang . " tumigil sandali si Lolo sa pagsasalita . Muling sinabit sa dingding ang portrait na kaniyang hawak .
"Pero , dahil sa mga nangyayari ngayon sa iyo na kababalaghan ...malamang hindi na kaya ng lola mo na ilihim pa sa iyo ang iyong nakaraan ..." Sabi ni Lolo sa mahinang tinig .
"Pero , lolo ..." ayaw ko pong ...maging sirena ..." umiling ako habang nagsasalita .
"Hindi natin hawak ...ang pagkatao mo , apo . Ikaw ay bunga ng talinhaga na nangyayari sa mundo . Tanggapin mo na lang ang katotohanan , at maging handa ka sa maaring mangyayari. Malay mo , nandoon sa pusod ng karagatan ang kasagutan na mangyayari sa iyo ngayon . " paliwanag p ni Lolo .
May punto naman si Lolo , maaring tama siya ." Pero , lo..hindi po ba pinatawan ng kamatayan si Carmela dahil sa kaniyang kasamaan , pinatay Niya ang anak ng hari .!" bigla rin akong nakaramdam ng galit sa sea witch . Wala siyang utang na loob . Matalik na kaibigan siya ni ina , pero nagawa Niyang pagtaksilan si ina .
"Tama ..pero masama ang kutob ko ...dahil sa iyong nakikita at naririnig . May pakiramdam ako na ...may kinalaman pa rin si Carmela ...sa nangyayari sa iyong buhay . " biglang tumayo ang aking mga balahibo . What If buhay si Carmela ? Buhay din ba ang anak Niya ? I gasped loudly .
"Lolo !" Nanlaki ang aking mga mata as realization hit me ! " Iyong ...kamukha kong babae, na nagpakita sa akin ...hindi kaya , anak siya ni Carmela ? Hindi kaya --" umiling ako ." Hindi ...hindi .. impossible ...patay na siya . Mas makapangyarihan ang Hari Kaysa kaniya . " I said , unconvincingly .
Nag-isip si Lolo , " May punto ka , apo ...kung hindi si Carmela ang babaeng umaawit --- maaring ito nga ay kaniyang anak ..iyon ay kung buhay siya .. Pero kung sakaling buhay nga siya at naisilang ang kaniyang anak... pwedeng maging kahawig mo ito , dahil iisa ang inyong Ama. " paliwanag pa ni Lolo .
"Pero , lo ...she appeared to be my twins . The resemblance is so uncanny . Well, except for ...the hair , while mine is golden brown ...ang sa kaniya naman ay pula .." I said , remembering the girls features . " And her eyes ... nangagalit na tumitingin sa akin ---"
" Walang duda na may kaugnayan Kay Carmela ang babaeng nagpakita sa iyo Isabelle ..." sabay kami ni Lolo na napatingin Kay lola na muling pumasok sa kusina . "Pero , naisilang na ang anak nina Carmela at Damian . Nakalimutan mo ba , Celso ...na dalawang buwan lamang ang tanda ni Isabelle ...sa annk nina Carmela at Damian?"
"Kung nabuntis man siya ulit ...iba na ang ama nito ...tandaan mo nakulong siya sa yungib ng karagatan ...at maraming nilalang sa dagat ...malay mo ...---"
"Ang ibig mo pong sabihin , lola ay maliban sa anak ng sea witch Kay Itay , ay may isa pa siyang anak ?"
Nagkibit balikat si Lola ," May posibilidad ...hindi ba? " Nagpatuloy siya sa pagpaliwanag .
" Walang ibang may galit Kay Uziela , maliban na lang Kay Carmela . Kaya , tama ang lolo mo , maghanda ka na sa maaaring mangyari . Baka nga magbabalik ang sea witch upang paghigantihan ka . " Sabi ni lola Margarita na muling umupo kasama namin .
Hindi ko maiwasan ang masindak . " Ito , isuot mo ito ..." Grandma said as she stood up again and put a necklace to my neck . It was a necklace of genuine pearl's on it . But the pendant was made of stardew -
" It's beautiful .." I whispered . hinawakan ko ang pendant . Ano ang ibig sabihin ng stardew lola ? Saan mo po nakuha ang necklace na ito ? " tanong ko sa kaniya .
"Mula sa iyong ina ang kuwentas na iyan , hindi ko alam ang kahulugan ng kuwintas na iyan Isabelle .. ikaw na ang bahalang maghanap ng kasagutan riyan . Ang tanging nasabi lamang Niya sa akin , pagkatapos ka niyang isilang ay ..ibigay ko raw sa ito ito .. kapag ikaw ay eighteen years old na . Apat na araw na lang , mag de -debut ka na . " she paused . Muli siyang umupo sa mesa .
"Pero dahil sa sinabi mo ang mga misteryosong pangyayari sa buhay mo , ay ibibigay ko na sa iyo iyang kuwentas na iyan . Para naman talaga sa iyo iyan apo .." Hinilot Niya ang kaing kamay .
Sa palagay ko ay umabot na kami ng dalawang oras pa sa pag-uusap ... ngunit hindi pa rin matapos -tapos ang aking mga katanungan . Hindi rin lahat ng mga tanong ko ay nasasagot nina Lolo at lola ko .
Hanggang sa magpasiya na kaming matulog ...ay hindi na kami nakakain ng Ming hapunan . Nawalan kami ng gana , kaya nagpasiya na kaming mag tsa at matulog.
"Matulog ka na Isabelle .." sabi ni Lolo ...may pasok ka pa bukas ." utos nito sa kin .
"At kahit anong mangyari, huwag mo ng kukunin o tatanggalin ang kuwentas na iyan sa iyong leeg ...at utang na loob , huwag ka ng lalapit sa dagat na mag-isa . " pag-paalala naman ni lola .
Tumango na lamang ako , and said goodnight . Kahit naman wala ako sa dagat , o ano mang bahagi ng tubig ay sinusundan pa rin ako ng mahiwagang babae .. doon sa lumang simbahan across the market . Doon sa paaralan .. kahit saan ...kaya akong sundan ng babae na kamukha ko .
Tumayo na kami upang matutulog na , " Teka po ..lolo , lola , " Tinitigan ko sila
" Paano po kung gagambalain kayo rito ? Baka saktan nila kayo ?"
"Kung sakaling ...gagambalain tayo rito sa sariling pamamahay natin ...ay hindi iyon tatalab . " kumpyansa na sabi ni Lolo .
" Bakit naman po ?" tanong ko sa kaniya .
,"Dahil may orasyon at agimat na binigay si Tandang Isko sa amin . " paliwanag naman ni Lolo . Ipinakita ang nakatago na kuwentas na kaniyang suot na kamison . " Meron rin ang iyong lola ng ganiyan . " pahayag ni Lolo.
Ilang sandali pa ay kapwa na kami pumasok sa aming sariling mga silid .
Lalong gumulo ang aking isip . Ang akala ko ay mabigyang linaw at sagot ang aking pagtataka ... ngunit hindi natugunan nina Lolo at Lola ang aking katanungan .
Bagama't mas mabuti na rin na rin na makapag-usap kami . . At least , may ugat na akong dapat balikan upang masagot ang pangyayari sa King buhay . At least , may pagbasehan na ako ..alm ko na ang malalim na dahilan ng mga misteryosong nangyayari sa King buhay .
Nagmumula pala sa aking mga magulang , Tama sina lolo at lola ...maaaring ang sagot ng lahat ng ito ay nandoon sa pusod ng karagatan .