14

2004 Words
Third Person POV: Andito kaming tatlo sa bahay ko.Kasama ko si Jacob at Matt.Busy kasi sila Levi.Nagkayayaan maginuman. "Kelan ka luluwas Ax?"-tanong pa sa akin ni Matt. "Bukas sana tinapos ko pa kasi yun mga iiwanan ko sa opisina nag indefinite leave ako."-Ax. "Buti pinayagan ka ng Mommy mo?"-tanong pa ni Jacob sa akin. "Wala naman na sya magagawa pumayag na si Lolo..Kahit itakwil pa nila ako ni Daddy wala na akong pakialam.Sapat naman na ang naipon ko para mabuhay kami ni China."-sagot ko pa saka ako uminom ng beer. "Anong balak mo?"-tanong ni Matt. "Nagrent ako ng condo sa BGC yun malapit sa opisina nila Chin para madali ko syang mapuntahan.."- Sagot ko naman sa kanila. "Hay nako goodluck talaga sa balak mo Pre.."-naiiling na sabi ni Jacob sa akin. "Atleast sinubukan ko kesa naman wala akong gawin diba? "Pano pag ayaw na talaga ni China?"-tanong pa ni Matt "Taena naman kasi kahit ako naman aayaw ehh kung ako si Chin.."-Sagot pa ni Jacob. "Di naman ako manggugulo sa kanila ni Liam kung yun ang kinakatakot nyo..Gusto ko muna sya kausapin.Pag alam kong may pagasa pa don ako gagawa ng paraan para bumalik sya sa akin. "Pano non huli mong nakausap si China obvious na galit na galit sayo ehh..Sabagay di ko sya masisisi ang gago mo kasi. "Ano pala balita kay Aria? "Wala akong balita basta nakipaghiwalay ako.Sinabi ko naman sa kanya kundi lang dahil kay Mommy di ko naman talaga sya gusto.. "Ewan ko ba kasi sayo pano mo nagawan iwan si Chin.Minsan sarap mo sapakin Ax al mo yun..Kasi bibihira ka makakatagpo ng babaeng kaya kang panindigan hanggang sa huli. "Nako kaya nga ako pag si Bella tinotopak hinahayaan ko nlang di ko na sinasabayan kasi di ko din naman kayang mawala sya. Alam nyo kayong dalawa apakasuwerte nyo sa babeng minahal nyo kasi yun mag bestfriend na yun pag mahal ka nila kahit anong dumating na problema di ka nila iiwan.Nakakainggit kaya kayo sana makahanap din ako ng ganyan babae. "Taena mo naman kasi Jacob mas topakin kapa sa babae.. "Naiinis lang ako masyado clingy. "Nagjowa kapa.. Maaga akong nagising at nagempake ng ng dadalhin ko sa Manila.Di ko alam anong dadatnan ko don pero sana lang magkausap kami ni Chin..Alam kong dapat matagal ko ng ginawa to pero di ko lang talaga sya nakita noon at pumayag nako makipagdate sa nirereto ni Mommy. 4am sakto bumiyahe na ko paluwas ng Manila.Alam ni Lolo ang plano ko kaya pinayagan nya ko umalis.Alam ni Lolo kung gaano ko kamahal si China kaya alam nya kahit pagbawalan nya ako wala sila magagawa. Pagdating ko sa BGC buti di ako nahirapan hanapin ang condo na nirent ko 9am ang usapan namin ng agent.Buti nlang maaga akong nakarating 730am andito na ako.Buti nlang nakakita ako ng Starbucks kaya pumasok muna ko para magalmusal..Pagkatapos kong magorder umupo ako malapit sa bintana kaya kita ko ang mga daan at mga taong nagmamadali na pumasok at malalate na.Ibang iba ang buhay dito sa Manila kesa sa San Felipe. Halos katapat lang ng Starbucks ang opisina ng Zobel.Malaking bldg at andami empleyado..Pinagmamasdan ko ang mga taong pumapasok. Maya maya lang may huminto ang isang itim na Bronco at bumaba ang sakay nagulat ako si Chin ang bumaba at si ang driver Liam.Nakita ko pano hinalikan ni Liam ang ang babaeng mahal ko at nakangiti pang nagpaalam si China kay Liam saka pumasok sa bldg.Di ko alam na magiging ganito pala kasakit na makita ng harap harap may mahal na syang iba.Akala ko noon kaya ko makita si Chin na may kasama iba.Di ko alam bakit ko sya hiniwalayan.Bakit kay Chin ko naibunton lahat ng stress at problema ko sa pamilya ko at negosyo.Ang gago gago ko. After ko makuha ang susi ng condo nirentahan ko nagpahinga muna ako at kokonti palang ang tulog ko kagabi. Nagising ako hapon na.Di ko alam pano ako magsisimula sa panunuyo kay China.Pano ko sya kakausapin.Ramdam ko yun sakit na naramdaman nya non tinawagan ko sya sa telepono nun huli kami nagkausap. Bumangon na ako at balak ko kumain muna.Ittry ko magpunta sa opisina ni China mamayang uwian. 5:30pm nako nakababa ng condo naghahanap hanap muna ako ng malapit na makakainan buti nlang may malapit na fastfood kaya don nlang muna ako kumain..Tanaw ko pa din dito ang bldg ng Zobel..530 na pero halos kokonti palang ang lumalabas ng bldg.Pero nadami tao sa kalsada. After ko kumain nagrestroom lang ako saka ako pumunta sa Zobel.Mababait naman ang guard at sinabi dumiretso nlang ako sa lobby.. Pagpasok ko sa bldg apakalaki pala ng loob nito.Lumapit nako lobby at nagtanong. "Hi goodafternoon.Puwede bang malaman kung nasa taas pa si China Montecillo?"-tanong ko pa sa attendant. "Good afternoon po..Sino po sila? "Pakisabi si Axel Montenegro.. "Wait lang po itawag ko lang po sa taas."-nakangiti naman sagot sa akin ng babae.Saka may kinausap sa telepono.Medyo matagal din sila nagusap bago ako binalikan. "Hi Sir, kakaalis lang daw po ni Ms.China may client meeting daw sa Paseo at Taft baka daw po di na bumalik ng office yun today.. "Ah okay Salamat.Bukas ba may pasok sya? "Not sure lang po pero usually si Ms.China lagi naman nagOOT kahit weekends depende nlang po pag may out of town or out of the country meeting. "Sige sige salamat.Alam mo ba san sya nakatira? "Sorry po Sir its confidential po kasi..Maigi po si Ms.China nlang po tanungin nyo. "Sige sige Salamat.. Lumabas na ako ng Zobel at nagiisp san ko makikita si China.Diko masyado kabisado ang Manila.Kaya napagpasyahan kong magpunta nlang muna sa Mall at magpalipas ng oras. Pagdating ko sa Mall naggagala gala lang muna ako.Di ko napansin gabi na pala at kailangan ko na magdinner kaya pumasok na ko sa isang restaurant na nakita ko at umorder don ulit ako umupo malapit sa bintana para kita ko ang mga taong naglalakad lakad.Habang naghihintay ako ng order at nagmamasid masid ako sa labas nakita ko si China at Liam na naglalakad nakaakbay pa si Liam kay China at masaya silang nagkukuwentuhan saka pumasok sa katapat na restaurant.Halos di ako makakain dahil sa nakikita ko.Halos kalahating oras din sila nasa resto bago magkasama umalis. After ko sa Mall diko alam san ako pupunta kaya umuwr muna ko sa condo. 9pm na non tinawagan ako nila Matt. Matt Calling.. Matt: Ax kamusta? Anong balita? Jacob: Oo nga nagkausap naba kayo ni Chin? Levi: Kinausap kaba Pre? Ax: Di nya pako nakikita pero nakita ko na sya..Hays. Finn: Lalim non Pre ah bakit? Ax: Nakita ko sila ni Liam na magkasama kanina una non hinatid sya sa trabaho. Then kanina nagdinner sila sa Resto.Di niya nakita pero nakita ko sila. Matt: Kamusta ka? Ax: Ang sakit...Taena. Finn: Anong balak mo? Ax: Babalik ulit ako sa opisina nila.Ttry ko sya kausapin. Matt: Meaning galing kana? Ax: Oo kanina kaso kakaalis lang daw sa opisina may client meeting e ang sabi di na babalik sa office kaya nag Mall muna ako.Di ko man alam kasi san sya nakatira dito. Jacob: Sabagay wala ka naman kakilala jan puwede pagtanungan. Ax: Nitry ko nga magtanong sa opisina pero di man din binigay at confidential nga naman. Levi: So magtatagal ka talaga jan? Ax: Diko pa alam baka. Jacob: Nakacondo ka diba? Luwas kami gusto mo? Ax: Yeah wag muna pag nakausap ko na. Matt: Kamusta si Chin non nakita mo? Ax: Pumayat sya pero lalong gumanda. Finn: Tanong na lang jan kung kakausapin kapa ba. Levi: Sana lang kausapin ka. After namin magusap nagbihis muna ako at gusto kong lumabas kaya nagtanong tanong ako san maganda magbar. Andito ako ngayon sa Xylo friday nga pala ngayun kaya madami tao sa bar.Pagpasok ko pa lang sa bar dinig na dinig mo na ang ingay sa dance floor kaya hinahanap ko na ang bar at don ako umupo saka ako umorder.Nagmamasid masid lang ako sa paligid habang umiinom.May mga lumalapit sa akin babae at nagpapakilala pero wala ako sa mood di naman eto ang pinunta ko dito sa Manila. Napatingin ako sa taas at ang iingay ng isang grupo nagsasayawan...Nakita ko si China kasama ang grupo na nagsasayawan sila nasa likod nya si Liam at nakayakap sa kanya.Madami sila kasama lalaki pero tatlo lang silang babae.Tawa sila ng tawa.Habang pinagmamasdan ko si China sa ilan buwan nya umalis sa San Felipe anlaki ng pinagbago nya.The way sya manamit,pumorma pati pagkilos.Dati sanay ako na simple blousr at pants lang sinusuot nya.Ngayon nagmamakeup na din sya.Wala na yun probinsyana China nakilala ko... Buong weekend akong inip na inip sa condo.Di ko alam anong gagawin ko para makausap si China.. Ang balak ko bukas aabangan ko sya sa Opisina. Monday inabangan ko si China pumasok kaso buong umaga nako nagantay diko nakita si China na pumasok sa bldg.Nagantay antay ulit ako ng lunch wala pa din.Kaya mga 3pm bumalik ako sa Zobel para magtanong kung nasa taas ba si China. "Good afternoon, Ms puwede po ba kay Ms.China Montecillo? "Good afternoon Sir kay Ms.China po? "Yes.. "Ano pong name po sasabihin ko? "Axel kamo.Ty. "Wait for awhile po itawag ko lang sa taas. May kausap yun attendant at maya maya lang binalikan ako. "Sir nasa labas daw po si Ms.China.Maghapon daw po full sked sunod sunod ang client meeting.Baka daw po mamaya pa bumalik dito. "Ah ganon ba puwede ba kong maghintay dito? "Okay sige po.. Umupo muna ko sa lobby at nagantay antay nagbabakasali akong makita si Chin na pumasok ng office.Inabot na ko ng 5pm pero wala pa din si China kaya lumapit na ako ulit sa attendant kaya itinawag nya ulit sa taas. "Sir wala pa din daw po pero sabi naman po non kasamahan babalik daw po si Ms.China dito. "Sige Salamat. Nagantay ulit ako peo madilim na wala pa din.Di ko pa din nakikita si Chin bumabalik.Nakailan tawag na yun attendant sa taas kaso wala pa din si China. "Sir naibilin ko na po sa taas once na dumating si Ms.China sabihin na nagaantay kayo.Di po kasi natin makikita dito sa lobby dahil sa parking po nadaan yun si Ms.China. "Sige salamat.. Inip na inip na ako kakaantay kay China. Mag 9pm na din kaya tumayo na ako at lumapit ulit sa attendant para itawag sa taas baka dumating na. "Sir wala pa daw po.Gusto nyo po balik nlang kayo bukas baka kasi mamaya pa bumalik yun. "Pero ganito ba talaga sila dito? "Opo Sir panay po sila OT kaya di po nakakapagtaka if bumalik man sila ng 10pm o 11pm minsan kasi may tinatapos pa silang paperworks. "Okay sige magantay antay pa ako. Pagupo ko pumikit muna ako.Nakakapagod magantay sa wala di ko namalayan nakatulog na pala ako. Nagising akong may tumatapik sa akin kaya napamulat ako.Nagulat ako nasa harap ko na pala si China.Sa sobrang saya ko napayakap ako sa kanya. "Love.."tawag ko kay China.Ramdam na ramdam ko ang lakas ng kabog ng dibdib nya.Pati lalim ng buntong hininga nya. "Bitaw Ax.."-bulong ni China sa akin.Halata ko ang galit sa pagkakabigkas ni China sa pangalan ko.Bumitiw ako sa pagkakayakap at saka ko sya tinignan.Kitang kita ko sa mga mata ni China na nasasaktan sya.Sa sampung taon namin ni China alam na alam ko na ang ugali nya.Alam ko pag galit sya masaya malungkot o nasasaktan.At lahat ng yun nakikita ko sa mga mata nya. "Stop Ax.Akala ko ba malinaw na sayo na ayoko na makita ka.Anong ginagawa mo dito?"-ramdam ko yun paghihirap ni Chin.Alam kong nasasaktan syang makita ako kitang kita ko sa mata nya ang sakit. "Can we talk Love pls?" Pakiusap ko pa sa kanya. "Umuwe kana Ax nagsasayang ka lang ng oras mo dito.May bf na ako at masaya na ako.Pls lang wag mo na akong guluhin.Sana naman pabayaan mo na ako.Kasi non ikaw ang humiling non pinabayaan kita wala kang narinig sa akin.."-mahinang sagot naman sa akin ni Chin saka tumayo at iniwanan ako.Bawat salita na binibitawan nya ramdam ko yun sakit.Kaya hinayaan ko nlang muna sya.Nakita ko sya lumabas at lumapit sa dalawang babae.Umuwe muna ko sa condo. "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD