Chapter 42 - Advice

2131 Words

"KATIE! Katie! Katie!" Tinigilan ko ang ginagawang pagma-mop sa sahig nang bigla na lang sumulpot sa harapan ko si Lily. Nangunot pa ang noo ko nang mapansing naghahabol siya ng hininga. Aakalaing nakipagtakbuhan. "Kumalma ka muna," sabi ko nang hawakan niya ako sa braso ko. Hindi ko maintindihan ang itsura niya. Hinihingal pa rin siya pero bakas sa kanya ang matinding pagka-excite. Tila kinikilig pa nga. "Ano bang meron? Bakit ka nagkakaganyan?" nagtataka ko nang tanong. Bahagya akong napapikit sa tinis ng boses niya nang bigla na lang siyang tumili. "Katie, may balita ako sa 'yo!" "Uy, Lily! Kumalma ka lang. Dinig na dinig tayo sa buong bahay." Tumawa siya at nag-peace sign sa harapan ko. "Sorry, 'di ko lang mapigilan ang sarili ko." Napailing na lang ako at seryoso siyang tining

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD