//Ryder// "Kayong dalawa ni mama... May relasyon kayong dalawa ni Mama noon?" Hindi niya lubos akalain na maririnig niya ito. Wala siyang alam tungkol nito. Kahit buhay pa ang kanyang mama, ni minsan wala itong pinapakita na kinahinahinala sa kanyang harapan pero ng dahil sa binunyag ni Ronaldo, hindi na niya alam anong nararamdaman niya. Tila nalilito na siya sa mga pangyayari. "Simula pagkabata, inatasan akong bantayan si Rosa." Tinutukoy nito ang kanyang ina. "Dahil sa maraming dekadang pagsisilbi ng aking pamilya sa kanila, halos buong buhay ko ay nagbabantay palagi sa kanya. Ni minsan hindi ako umalis sa tabi niya. Naging malapit kami ng husto, napagtanto namin na mayroon kaming nararamdaman sa isa't isa. Hanggang dumating si Mateo. Pinagkasundo si Rosa kay Mateo at iyon ang hinding

