Naiwan siyang nag-iisang nakaupo sa mga naglalakihang mga bato. Sobra siyang kinakabahan dahil sa gagawin ni Ryder sa kanya pagbalik nito. Ang sabi nito ay ito mismo ang magpapaligo sa kanya. What the hell is going on?! Ano ba ang pumasok sa utak nito na papaliguan siya? Sumilip siya sa ilog para tignan ang kanyang sarili sa tubig. Hindi niya kinakaila na sa tagal-tagal na nilang dalawa dito sa isla, ay hindi niya naasikaso ang kanyang sarili gaya ng magsusuklay sa kanyang buhok. Pati na din ang kanyang punit-punit na suot. Para siyang taong grasa kung titignan. Hindi na rin niya maiwasan na amuyin ang kanyang sarili. May sakit pa ba siya? Wala kasi siyang naamoy. Napailing siya ng todo. She needs to get out of here bago pa ito bumalik. Nakakahiya! Nakakawindang! Dali-dali siyang tumayo

