Ilang araw na rin ang lumipas at stranded pa rin sila sa isla at wala pa din dumarating na tulong para mailigtas silang dalawa. Pero kahit papaano, nakakaraos din sila gaya ng ginawa nilang bubong na gawa sa nahanap nilang malalking dahon para may masisilungan at pinagtagpi-tagping coconut leaves para gawin naman nilang kumot. Napakahirap sa kanya ang dinaranaras niya ngayon dahil hindi siya sanay sa ganito. Pero, kailangan niyang tiisin ito hanggang sa mailigtas na silang dalawa dito sa isla. Tinanaw niya si Chelsea na nasa dalampasigan. Naghahanap na naman siguro ito ng makakain nila mamayang gabi. Kahit mainit ang sikat ng araw, hindi pa rin ito nawawalan ng gagawin at parang natatkot pa itong mawalan sila ng makakain. Hanggang sa napansin niya ang suot nito. Ngayon lang niya napansin

