Alas sais ng umaga. Pinuntahan ni Chelsea si Ryder sa kwarto nito para gisingin. Baka tulog mantika na naman iyon at kapag gigisingin niya, magmamaktol na naman na parang bata. Kumatok siya sa pinto. As she expected, hindi na naman ito sumagot. Wala na siyang choice kundi pasukin ang kwarto nito. Kinuha niya sa kanyang bulsa ang spare key sa kwarto nito para buksan ang pinto. Ng ipasok na niya ang susi, laking pagtataka niya na hindi pala ito nakakandado. Pumasok siya sa loob. Walang Ryder na natutulog sa kama. Ibig sabihin gising na ito kanina pa? Saan kaya naman iyon nagpunta ng ganitong oras? "Bahala siya sa buhay niya." Wala naman meeting ngayon ang binabantayan niya kaya pabayaan niya muna ito kung saan man magpunta. Hindi naman niya kailangan na bantayan iyon palagi, she knows ev

