/Ryder// Nasa opisina siya ngayon para sa inihahandang emergency meeting. Hindi niya alam kung ano itong meeting na sinasabi ng kanyang Tatang at kailangan niyang dumalo sabi nito sa kanya kaya inayos niya muna ang kanyang sarili at lumakad papunta sa meeting room. Binuksan niya ang pinto at pumasok na sa loob. Naroon na rin ang kanyang ama kausap ang isang lalaki. Wait. Familiar ang mukha ng lalaking iyon. Tama. Ito iyung taong kasama ni Chelsea at ng kanyang tatang ng mahuli niya itong naguusap tungkol sa set up siya sa isla. Anong ginagawa nito dito? Napansin siya ng ama niya at tinawag siya. "Good, you're here. Take a seat at malapit na dumating ang hinhintay natin." Sumunod siya sa sinabi nito. Umupo siya sa tabi nito at ilang minuto ay may biglang bumukas ng pinto at isa-isang

