//CHELSEA POV// Gabi nang makauwi sila sa bahay. Ganoon pa rin ang scenario nilang dalawa. Na para siyang Koala na nakasabit sa likod ni Ryder. Hindi naman sa ayaw niya, para kasing unti-unti na siyang nasasanay na siya na ito palagi ang nagaalalay sa kanya at palagi ito nasa kanyang tabi. Baka pag magaling na ang mga paa niya, hanap-hanapin niya ito. Ramdam na din niya ang antok dahil sa gamot na ininom niya. Napansin ni Ryder na palagi na siyang humihikab. “Pwede ka naman matulog kung inaantok ka na.” Sabi nito habang akay-akay pa rin siya papunta sa kanyang kwarto. “Hindi pa naman ako inaantok…” sabay hikab niya ulit. Napailing na lamang ito. “Ikaw talaga. Nandito na tayo. Matulog ka na agad pagkahiga mo ah?” Pagbukas nito sa pinti ay bigla siyang nagtaka sa

