/Chelsea// Sumunod na araw, naglakas ng loob si Chelsea na puntahan si Ryder para hingin na kausapin ito at para na din magpaliwanag. Hindi siya makatulog at gusto niyang humngi ng patawad rito. Totoo na alam na niya sa simula pa lang ang plano ng ama nito para kay Ryder. Tutol man siya pero wala na rin naman siyang magagawa dahil kasama din ang kanyang ama na si Ronaldo sa mga preparasyon mula sa event sa cruise ship hanggang sa napadpad sila sa isang isla. Alam na din niya kung ano ang mangyayari sa kanila ng dumalo pala ang anak ng isang tao gustong nakawin ang alas na idi-display sa event. Alam niyang ang laki ng kanyang kasalanan sa lalaki dahil parte din siya sa plano na iyon at nakokonsenya siya. Ayaw niyang mawala ang tiwala nito sa kanya pero ng dahil sa nangyari narinig nito an

