“Hoy! Ayos ka lang?” untag ni Chubby sa akin. Dahan dahan akong umiling. “Bakit naman? Hoy! Mag share ka naman girl! Huwag mong sarilinin ang problema, kung ayaw mong mamatay!” Napaayos ako ng upo. “Grabe ka naman sa mamatay, Chubby!” “Ano ba kasing problema mo? Baka pwede mo 'yang i-share sa akin. Malay mo naman, makadagdag ako!” Nanliit ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. “Ikaw talaga! Ang dami mong alam no?” “Kung ayaw mong mag share. Edi sige, akin na lang din itong batchoy mo. Ayaw ko na ring mag share sa 'yo!” sabay kuha niya sa batchoy. “Ang sama mo!” “Share na kasi, dali!” Napanguso ako. Hindi ko alam kung tama bang sabihin ko kay Chubby ito pero nagbabakasakali pa rin akong magiging daan iyon para makahinga aki ng maluwag. “Kasi kanina...” “Ah huh! What happene

