Hindi naging madali ang buhay ko sa London kasama si Ulan. If I were to decide, pipiliin kong manatili sa Pilipinas. Though kasama ko naman palagi si Ulan sa lahat ng pupuntahan ko ay may kakulangan at pag aalinlangan pa rin akong nararamdaman. Hindi ko akalaing hahantong sa ganitong sitwasyon ang paghahanap ko sa mga magulang ko. Mula sa simpleng dalaga na hangad lang ay makapagtapos sa kursong ninanais at mahanap ang mga magulang ay naging heredera ako ng isang mayamang pamilya. At ang mas masaklap pa ay magulo ang sitwasyon ng pamilyang inuwian ko. "Hey, anong iniisip mo?" untag sa akin ni Ulan. Pareho na kaming lulan ng eroplano papauwi sa Pilipinas. Limang taon na ang nagdaan pero heto ako't nararamdaman na parang kahapon lang no'ng umalis kami papuntang London. Lumingon ako sa ga

