Kabanata 61

1593 Words

Malakas ang naging kabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko'y lalabas na ang puso ko sa lakas niyon. Nang humiwalay ako kay Ulan ay agad akong nag iwas ng tingin sa kan'ya. Hindi ito ang unang pagkakataong nagdikit ang aming mga labi. Pero hindi ko maintindihan. Ang init-init ng pisngi ko. Parang biglang uminit ang buong paligid ko gayong malakas naman ang aircon. Napabuga ako ng hangin bago ko muling nilingon si Ulan. At gusto ko na lang siyang sapakin bigla. Nakapikit na siya na parang walang nangyari. "Ulan," tawag ko sa kan'ya pero hindi siya nagmulat ng mata. Ni gumalaw ay hindi niya ginawa. "U-uuwi na a-ako," sabi ko at saka nagmamadaling lumabas ng kwarto niya. Napahinto ako sa labas ng kwarto niya at agad na napasandal doon. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganito ang nararamd

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD