Nahugot ko ang sarili kong hininga. Iba ang pakiramdam ko pero sinunod ko pa rin ang sinabi ni Kuya Diego. “Bakit kailangan nating pumunta? Invited ba tayo?” tanong ko habang nasa byahe na kami ni Kuya patungo sa venue. “Of course!” natatawang tugon niya. Hindi na ako nagsalita pang muli at itinuon na lamang ang paningin sa labas ng bintana. Sa isang hotel ginanap ang party. Pagkapasok pa lang namin sa venue ay agad na kaming sinalubong ng napakaraming taga media. May iilang panay ang pagkuha ng litrato. May iba namang nagtatanong tungkol sa naging buhay ko matapos kong bumalik sa pamilya ng mga Guttierez. “Oh! They're here!” rinig kong anunsyo ni mommy sa mga kausap niya nang nakarating kami ni Kuya Diego. Nakipagbeso siya kay Kuya Diego at ganoon din sa akin. “Dad,” sambit ko saka

