CHAPTER 16 ABCD ZHENG "So beautiful." Bulong ko habang nakatayo at tinitingnan ang litrato ng aking asawa na nasa loob ng opisina ko. Dalawang metro ang haba nito. Ito yung isa sa mga kuha niya nung kinasal kami. Nakaupo siya sa upuan at suot ang magrabong trahe de boda. Nakapalumbaba siya habang nakatingin sa bintana. Nasisikatan ng araw ang kanyang mukha at mas lalo pang gumanda ang kuha dahil sa napagandang anggulo nito. Ang kanyang maamong mukha, ang mahahabang pilik mata, ang matangos na ilong at ang mata nito na may bahid ng kaligayahan. Stolen ang kuha nito at nang makita ko iyon nung dinala sa amin ang mga wedding pictures, pinagawan ko ito ng napakalaking portrait at pinalagay sa opisina ko. Hindi pa ito nakikita ni Elsie dahil tatlong linggo palang n'ung pinalagay ko ito. At

