Chapter 2

1079 Words
Hindi na nga siya nakapag-asawa nang dahil sa akin. Well, choice niya naman raw 'yon kaya pinapangako ko na ako ang mag-aalaga sa kan'ya hanggang sa pagtanda. "Opo, sige na po. Maliligo na rin po ako agad," sagot ko. Hindi ko na siya kinausap pa dahil alam kong mapapahaba pa kami nang upan. kagabi pa ako nag-imapake, hindi naman ako nagdala ng maraming gamit mga importante lang talaga. Kasama namin sina nanay Lena at ang nag-iisang kong kaibigan na nagti-tiyaga sa ugali ko. Si Helga. Anak siya ng kasambahay ni Tita na si Nanay Helena. Ayaw ko rin silang mawalay sa 'kin dahil katulad ni Tita ay silang dalawa ay itinuturing ko na ring pamilya. Kasama ko rin na mag-aaral sa Don Bosco Academy si Helga kung saan ako nag-aaral no'n. Kumpleto kasi ang antas ng pag-aaral do'n from nursery to college. Gano'n siya kaganda at hindi ka rin basta-basta makakapasok do'n kung wala kang membership sa organization. Mabuti at nagawan nang paraan ni Tita Roxanne. Pagkababa ko ay ako na lang pala ang hinihintay nila, agad na kaming nagpahatid sa airport upang makaluwas na kami ng maynila. Katabi ko si Helga sa upuan ng eroplano at naiirita na 'ko dahil para siyang kitikiti. "Ano ba 'yan best? Para ka naman kitikiti d'yan. Inaano ka ba?" paninita ko sa kan'ya. "Pasensiya ka na best. Parang nahihilo kasi ako, eh," aniya. First time niya lang pala sumakay ng eroplano kaya siya gan'yan. "'Wag kang mag-alala, ilang minuto lang naman 'to. Pumikit ka na lang muna para hindi ka mahilo," ani ko naman. "Sige," mabuti naman at nakinig, akala ko dadada pa. Bibigwasan ko na talaga eh. Ilang sandali lang nang makalapag ang eroplano na sinakyan namin ay mabilis lang rin kami nakarating sa bahay kung saan kasama ko pa ang mga magulang ko noon at masaya pa kami. Nauna na silang pumasok, samantalang ako ay tinanaw na muna ang kabuohan ng bahay. Parang walang nagbago. Gano'n pa rin. Nagpakawala ako ng malalim na hininga habang nakahawak sa dibdib. Dinama ko ito at talagang bumabalik sa 'kin ang alaala sa bawat sulok ng bahay na 'to. 'Mommy, Daddy. I'm home. Miss na miss ko na po kayo, I love you.' "Best! Ano ba 'yan… Bahay mo 'to pero nauna pa akong pumasok. Halika na nga dito," bigla naman akong tinawag ng isang 'to. 'Panira talaga ng moment, eh!' "Oo, ayan na!" Maging pagpasok ko sa loob ay agad kong inilibot ang aking paningin. Grabe! Wala talagang nagbago. Hindi ko maiwasan ang maging emosiyonal nang mapadako ang aking paningin sa mga picture frame na naka-display do'n. Maging ang family picture namin na nakadikit sa wall, wedding picture nina mom and dad. Pati na rin 'yong sa 'kin no'ng baby ako hanggang 8 years old. 8 years na rin ang nakalipas. Gano'n na rin katagal na wala na sila. "Best, ang laki ng mansion niyo. Hindi lang 'to basta bahay, no!" manghang sabi ni Helga habang naglilibot dito sa bahay. "Naia! Dalhin mo na muna ang mga gamit mo sa kuwarto at samahan mo na rin si Helga sa magiging kuwarto nila ni Ate Lena." Agad naman na kaming sumunod ni Helga sa ipinag-uutos ni tita. Bukas na bukas ay magtutungo na kmi sa Don Bosco Academy upang magpa enroll. ~Xian~ Maaga akong nagising dahil unang araw na ngayon ng enrollment. Siyempre ayaw ko namang magpahuli. May-usapan na kami ng mga kaibigan ko na ngayon kami magpapa-enroll. Business management ang course na kukunin ko at gano'n din pati mga kaibigan ko. Natatawa ako dahil kung nasa'n raw ako ay do'n rin sila. 'Eh, kung mag-asawa na rin kaya ako. Mag-aasawa na rin sila? Mga hibang.' Agad kong pinark ang kotse ko sa parking lot at bumaba na agad. Nando'n na rin sina Zandro at Clifford naghihintay dahil sabay-sabay kaming papasok ng campus. "Hey Bud's, good morning," bati ko sa kanilang dalawa habang nag-uusap. "Good morning, Buddy." Nakipag-fist bump ako sa kanilang dalawa. "What now? Are you ready?" Nangising tanong ni Zandro. Alam ko na naman ang nasa isip nito, babae. "Tsk! Enrollment pa lang, saka muna paganahin 'yang magnet mo!" singhal ko sa kan'ya. "Wow! Himala ang humble mo naman ngayon. Eh, ikaw nga d'yan sa 'ting tatlo ang kinababaliwan ng mga kababaihan," pang-aasar nito sa 'kin. "Hay naku! Tara na nga!" Naglakad na kaming tatlo at ako ang nasa gitna. At ayon na nga. Hindi magkamayaw ang mga kababaihan habang naglalakad na kaming tatlo papasok ng campus. "Waahhh! Ayan na sina Zandro, Xian, at Clifford. Grabe ang guguwapo nila!" "Sheettt...oo nga! May girlfriend na kaya sila?" "Naku! Sa palagay ko ay mayro'n na, siyempre," dinig naming tatlo ang mga usap-usapan ng mga students bawat na nadadaanan namin. Lahat ng mga mata nila ay na sa 'min lang at sanay na sanay na 'ko sa mga 'to. Pero siyempre sinuklian ko naman nang matamis na ngiti, sabay kindat pa nga. Baka sa sabihin nila ay napaka-suplado ko naman. Ngunit muntik na kaming magkabanggaan ng babaeng dumaan sa harapan ko pero hindi pamilyar ang mukha nilang dalawa sa 'kin. Halos lahat ng mga students dito ay kilala ko sa mukha kahit pa hindi ko alam ang mga pangalan nila. Ngunit itong dalawa ay ngayon ko lang talaga nakita. Ang nakakainis pa ay hindi man lang nila kami tinapunan nang tingin, lalo na ako na kamutikan na makabangga no'ng isa. "Guys...alam niyo ngayon ko lang nakita ang dalawang students na 'yon," dinig kong sabi ng isang babae na nakapansin din pala sa dalawa. "Oo nga, baka transfery sila dito," tugon naman ng kausap nito. Bigla naman ako nakaramdam ng inis. Hindi sa pagmamayabang pero hindi ba nila napansin ang kaguwapuhan naming tatlo? 'Yong babaeng bigla na lang sumulpot sa harapan ko na kamuntik ko nang makabangga, hindi niya ba talaga ako napansin? Imposible! "Bud's napansin niyo ba 'yong dalawang babae?" tanong ko sa dalawa. "Ah...'yon? Oo naman, bakit?" tanong ni Zandro. "Nakita niyo bang muntik na 'ko mabangga no'ng isa?" muli kong tanong sa kanilang dalawa. "Huh? Hindi. Busy ako, eh," ano pa nga ba ang aasahan ko. Busy sila sa mga babae. "Hayaan mo na, baka malabo lang ang mga mata niya kaya hindi ka napansin," sabi pa ni Clifford. 'Tsk! Palibhasa kasi hindi sila 'yong in-snob ang kaguwapuhan.' isip-isip ko. Huh Sige. Pagbibigyan pa kita. Baka nga hindi niya ako napansin, kailangan ko siyang makilala. Tingnan natin kung hindi ka matulala sa kaguwapuhan ko. Panigurado isa ka na rin sa magkakandarapa sa 'kin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD