Hindi ako makapag focus sa klase sa antok na nararamdaman. Mabuti na lang at kahit inaantok ako'y nagagawa ko pa rin namang makasagot sa mga recitations.
"Hoy ba't mukhang puyat na puyat ka? Hindi ka ba natulog?" Natulog, two hours lang.
"Natulog, pero tinapos ko 'yong plates e."
"Dapat nagising ka na lang nang maaga, ingatan mo sarili mo mahirap magka anemia."
"Ang advance mo, masamang damo matagal mamatay," Natawa na lang siya sa tabi ko, habang ako naman ay napatingin sa gawi ng grupong kakapasok lang.
There are four. The first one is Jered Levis, ang pinakamapangasar sa kanila, siya ang madalas akong pandirihan at siya rin ang pinakakinaiinisan ko sa kanilang apat. There's something about him I couldn't like.
Next, I heard a lot about Mario Gostav Alande, the Mr. Perfectionist, and he really loves to correct everything. Isa rin siya sa kinaiinisan ko. Siguro kung magkakasama kami hindi ko matatagalan ang ugali niyang bawat galaw mo sinisita.
Clover Leaf Ansel is the guy who loves to laugh at someone's downfall and mistakes.
Lahat tinatawanan niya kahit simpleng pagkakamali, na siguradong ma o-offend ka. Mahirap siya makasama sa iisang classroom dahil siguradong pag nagkamali ka sa pagrecite o kahit sa pagsolve ng mathematical problem tawa niya ang mangunguna at aalingaw ngaw sa buong silid.
And last but not least, Draven Reil Monticello, the campus crush, is a cold-hearted guy who loves to play with girls.
Tahimik siya, pero pag nagsalita, masakit. Do'n siya magaling, pranka at sasabihin niya ang gusto niya kahit ikasasakit ng iba. Bukod do'n napakasungit niya sa mga taong hindi niya gusto at isa na ako roon.
Sa kanilang lahat medyo okay pa sa 'kin si Drei, may sense naman ang kasamaan ng ugali niya.
"Matunaw!" nabalik ako sa reyalidad nang magsalita si Kiara. Kiara hates their group too. Puno kasi ng mga gago.
"Ang gwapo talaga ni Drei 'no? Ugh! Kung ako girlfriend niyan, kama agad ang bagsak namin."
"Sheess bakit kasi si Zaira ang gusto niya pwede namang ako."
"Gaga! 'Di pa naman sila! Nag d-date lang kaya pang maagaw."
Hindi ako natigilan sa kung gaano nila kagusto si Drei. Natigilan ako sa narinig tungkol kay Drei at Zaira.
They're dating? I felt the lamp on my throat.
He's dating behind my back?
Sa inis na naramdaman ay naikuyom ko ang kamao ko na agad nahawakan ni Kiara.
"Oh, what the hell are you doing here, nerd?!" Hindi ko nilingon ang kung sino mang nagsalita noon. Ano bang pakialam ko?
"Hey! I am talking to you! Matutong gumalang sa mas malinis sa 'yo," wow! Bumuntong hininga ako at hinarap siyang nakataas ang kilay sa akin.
"Ano nga ulit tanong mo?"
"Akala ko ba matalino ka? Boba! Sabi ko bakit nandito ka?" Iba ang boba sa bingi, matatanggap ko pa kung sasabihin niyang bingi ako kaysa boba tss.
"Kasi cafeteria 'to at nagugutom ako? 'Di ba rito pumupunta lahat ng nagugutom? Bakit saan ba dapat? Sa library? In this case, nakakain na pala ang mga libro," Nakarinig ako ng 'oooohs!' Sa mga nakakarinig sa 'min habang siya naman ay napatanga sa akin. Narinig ko rin ang munting halakhak ni Kiara kung hindi lamang niya iyon natakpan.
"Stupid! What I mean is! You shouldn't be here! Trash, don't eat it!"
"Sa pagkakaalam ko ang basura hindi humihinga, pero naamo'y sa hininga—parang 'yong sa 'yo, amoy bulok na." Nakarinig ako ng tawanan na mas kinapula ng mukha niya.
I may be a nerd, but I told you, not the typical one, lalo pa ngayon bitin ang tulog ko at mabilis uminit ang ulo ko.
"How dare you!" Mabilis niyang dinampot ang juice ko at mabilis 'yong isinaboy sa akin. I heard gasps. Napatingin ako kay Kiara na mukhang nagulat din at nang bumaba ang tingin ko sa table ay doon ko nakita ang pinaghirapan kong tapusin na plates kagabi.
My eyes widened.
"s**t!" Mabilis akong tumayo at sinubukan pang tuyuhin iyon.
"Ops! I mean it. " Mariin akong napapikit at pinigilang makagawa ng isang bagay na alam kong hindi makakabuti para sa akin. Mabilis kong inayos ang mga gamit ko at pinili nalamang umalis. Agad na sumunod sa akin si Kiara.
"Loser! Akala mo kasi kung sinong matapang talunan naman. Tss!"
Napalingon ako sa gawi ni Drei and they were laughing. Seryoso akong naglakad papalabas habang tahimik naman si Kiara na tila tinatanya kung paano ako kakausapin.
"Ayos ka lang?"
"Hindi," iyon ang totoo. I was mad inside, but I needed to calm down outside.
"Dapat kasi hindi mo na lang pinansin."
"Next time."
"Paano 'yan?"
"Gagawin ko na muna," s**t! Ang pagod-pagod lang gawin nito. Dumeretso kami sa student park para doon gawin ang plate ko.
Halos naka ilan pa akong subok na mabilis ko ring ginugumos a ibinabato kung saan na siya namang pupulutin ni Kiara.
Fvck! Pinangungunahan ako ng iba't ibang emosyon.
Muli ko pang nakita ang grupo ni Drei at nakitang may kasama siyang babae, si Zaira. Hindi lingid sa kaalaman kong gusto siya ni Drei, bago pa man kami ikasal.
At mas naiinis ako.
"Huwag mo na muna kayang gawin? ipahinga mo muna sarili mo?" Inaantok pa rin ako at talagang mainisin ako kapag ganitong gusto kong matulog.
Marami akong ugali na natatago, sobrang dami na kapag inilabas ko, alam kong makakasakit ako.
Kaya hanga't maaari pinipilit kong maging kalmado at intindihin na lang. Hindi ako lumalaban, kasi alam kong kapag ginawa ko wala silang laban.
Hindi ko lang napigilang magsalita kanina dahil wala ako sa mood.
"Hi, Mavis," Nilingon ko ang nagsalita at napaisip ako kung anong kailangan niya.
"Hello."
"Gusto kita iinvite sa birthday ko, okay lang?" Tiningnan ko ang invitation na hawak niya, ngunit hindi sa akin nakaligtas ang klase ng tingin na pilit niyang itinatago, pero agad ko rin namang nahuli, sa bagay na ganito hindi niya ako maloloko.
Kunwari'y inabot ko iyon at pekeng ngumiti.
"Bakit mo naman ako naisipang imbitahin? Hindi naman tayo close."
"Eh 'di ba crush mo naman isa sa kaibigan ko? Kaya sige na pumunta ka," Hindi ko alam kung paano kumalat na crush ko si Drei, I never confessed my feelings in front of everyone, I am not that stupid. Maybe someone leaked information she or he heard from me and Kiara's conversations. A slew of moronic individuals.
Gustong gusto ko siyang taasan ng kilay pero dahil may pinangangalagaan ako, hindi ko ginawa.
"Sige."
"Wear anything you want... aasahan kita," Kumindat pa siya sa akin na gusto kong ikangiwi pero napakarami ang nakatingin kaya yumuko ako at doon nilabas ang pagngisi.
"Don't tell me pupunta ka? Naku! Mavis ah! kahit naroon si Draven... hindi mo pa rin sure kung ano ang gagawin nila sa 'yo."
Bago pa ako sumagot ay nakita ko nanaman ang pag-ilaw ng phone ko.
'Levis Residence,' tomorrow night at 8 pm. Rm 3. '
Sinasabi ko na nga ba.
Hinarap ko si Kiara gamit ang kalmado kong mukha.
"Wala namang masama, susubukan ko lang. Saka hindi naman siguro ako pababayaan basta ni Drei, lagot siya sa parents niya," napailing naman ito.
"Ewan ko sa 'yo kung bakit ang bilis mong nagpapauto."
Kung alam mo lang Kiara, iba ang pakay ko.