INOSENTE: 2

1504 Words
"Very good talaga ng anak ko, simula sa sandaling ito ituring mo na na parang bunsong kapatid itong si Marilag ha. Mag-promise ka kay Mommy na aalagaan mo sya palagi. Tingnan mo siya oh super happy niya dahil sa ibinigay mo. Hindi ba gustong-gusto mo na magkaroon ng kapatid?" nakangiting wika ni Ellen sa anak niyang si Arlott, tsaka niyakap ito ng mahigpit. Kahit kailan talaga napakabait ng kaniyang anak. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili, batid niya na nasa bingit sila ng kamatayan. Kaya kung hindi man sila papalarin hinahangad na lamang niya sa Poong Maykapal na iligtas ang kanyang anak at maging ang batang si Marilag. Marami pang pagdadaanan ang dalawang paslit, kahit sana ang dalawang bata na lamang. Pero syempre hindi pa rin naman siya nawawalan ng pag-asa na makakaligtas silang lahat mula sa kamay ng mga malulupit na bandidong ito. "Promise po Mommy, alagaan ko po si Marilag at ituturing na parang kapatid ko po," nakangiti namang sagot ng batang si Arlott sa ina. Niyakap muli ito ng mahigpit ni Ellen at may kung anong mabigat sa kanyang dibdib habang yakap-yakap ang anak. Nangangamba siya para dito, nangangamba siya para sa kanilang mag-asawa at syempre nangangamba siya para sa mag-anak na kakakilala pa lang nila ay magaan agad ang loob niya sa mga ito. Mukha naman kasing mabait ang mag-asawa kaya talagang makakapalagayan mo ng loob. "Honey, bakit ka pa nagsasalita ng ganyan? Tayo ang mag-aalaga kay Arlott at ang mga magulang naman ni Marilag ang mag-aalaga sa kanya. Makaka-alis din tayo dito, makakababa tayo ng bundok at makakaligtas tayo. Kaya wag ka ng mag-alala diyan. Aanyayahan natin sila na doon na lamang magbakasyon sa farm natin sa Nueva Ecija. Para hindi na ulit maulit ang trahedyang ganito." Mahabang pahayag ng kaniyang asawa na si Ariel. "Salamat sa inyo, sa totoo lang natatakot talaga ako para sa ating lahat. Papaano na lang kung hindi tayo makauwi nang buhay? Papaano na lamang kung dito na tayo mamatay? Papaano na ang mga anak natin, baka pati sila patayin ng mga hayop na bandido na yan." humihikbing mga wika ni Nelly sa kanila. "Asawa ko, wag kang magsalita ng ganyan makakaligtas tayo makakauwi tayo at lalaki pa ang anak natin at syempre masusubaybayan pa natin ang paglaki niya at magkakaroon pa tayo ng maraming anak. Maging ang apo ay maaabutan pa natin." Wika naman dito nang asawa na sinusubukang pakalmahin ito. Ramdam niya ang hirap ng kalooban nito dahil sa totoo lang gano'n din ang kanyang iniisip. Pinipilit lamang na maging matatag para magkaroon ng maayos na pag-iisip para makapag-isip sila ng tamang paraan para makatakas sila. "Tama nga asawa mo Nelly, huwag kang mag-isip ng kahit na anong masama, makakatakas tayo dito kailangan nating maging matatag at gagawa tayo ng paraan para makatakas." segunda naman niya sa asawa ni Nelly. "Wag na po kayong mag-alala kay Marilag. Kaya ko naman po siyang alagaan kaya dapat po makabalik na po tayo sa Manila para po isasama ko siya sa room ko. Bibigyan ko palagi siya ng maraming pagkain kasi po iyon lang po ang way para mapatahimik siya eh. Tingnan niyo po tulog na agad siya." turan ng paslit na si Arlott. Natawa na lamang ang apat dahil totoo nga namang tulog na si Marilag habang kalong-kalong ito ng ina. "Tama iyon anak kaya mangako ka sa akin ha. Kung sakaling may mangyari kina Mommy at daddy pati na sa Mommy at daddy ni Marilag aalagaan mo siya at tatakasan niyo ang masasamang loob na mga yan." nakangiting wika ni Ellen. Mabuti na iyong mabigyan nila ng bilin ang kanyang anak dahil kahit na 7 years old pa lamang ito batid niya na matalino ito at sumusunod ito sa mga bilin nila. Kung may masamang mangyari sa kanila at dahil nasabi na niya na huwag nitong pababayaan si Marilag ay sigurado siya na gagawin nito ang lahat para maprotektahan ang bata at pati na rin ang sarili nito. "Okay po kami Wag po kayong mag-alala. Tsaka big boy na po ako Aalagaan ko po si Marilag patingin po Syempre kayo ni Daddy." nakangiting sagot naman nito sa kanya. "Very good talaga ang anak ko kaya mangako ka ng pag wala si Mommy at daddy na Alagaan mo ang sarili mo ha." wika muli niya dito. "Honey, no ba iyang mga bilin mo na yan kay Arlott? Pasaway ka, makakauwi tayo ng buhay kaya tigilan mo na yang pagsasalita mo ng kung ano-ano diyan." Saway naman sa kanya nang asawa. "Mabuti na iyong laging handa ikaw talaga honey. Pero syempre hinahangad ko makaligtas tayo dito kaya dapat makagawa tayo ng paraan. Ngunit mukhang hindi matutulog ang mga kumag na yan, tingnan mo gising pa lahat," naiiling na wika niya. Laking pasasalamat nila nang pagsapit ng alas-dose ng gabi ay nakatulog na ang mga hayop tanging nag-iisang bantay na lamang ang gising. "Honey nag iisa na lang ang bantay na gising, pagkakataon na yata natin ito." Wika ni Ellen. "Sige na kumilos na kayo, ako na ang bahala." nais sana niyang tumutol dahil nag-aalala siya sa kanyang asawa ngunit kailangan niyang mailigtas ang kanyang anak. Pero hindi ito nagpatinag sa kanya, minabuti nitong dahan-dahang lapitan ang lalaking bantay. Sinenyasan naman sila nito na mauna ng umalis. Laking pasasalamat na lang talaga nila at inalis ng mga ito ang tali ng kanilang mga kamay. Dahan-dahan silang tumayo at naglakad palayo sa lugar na iyon kasama ang kanyang anak pati na ang pamilya ni Marilag. Maingat ang kanilang naging pagkilos, dapat hindi sila maramdaman ng mga ito dahil kapag nahuli sila siguradong kikitlan sila ng buhay ng mga hayop na ito. Kaya naman nakahinga sila ng maluwag ng medyo makalayo na sila sa lugar pero palingon-lingon pa rin siya dahil hinihintay niya ang kanyang mahal na asawa. "Nasaan na kaya ang taong iyon, bakit hindi pa rin sumusunod?" nag-aalalang wika niya atsaka palingon-lingon at umaasa na sumunod na sa kanila ito. Ngunit biglang silang napahiyaw ng sunod-sunod na makarinig ng paputok ng baril. "Diyos ko ang asawa ko!" umiiyak na bulalas ni Ellen alalang-alala siya sa kanyang asawa dahil sa putok ng baril. "BABALIK KAYO O PASASABUGIN KO ANG BUNGO NG HAYOP NA ITO!" malakas na sigaw ng pinuno halos dumagundong ang boses nito sa katahimikan ng gabi sa kagubatang iyon. "Ellen, anong gagawin natin?" nag-aalalang tanong naman ni Nelly sa kanya. Tuliro ang kanyang isipan at hindi siya makapag-isip ng maayos. "T-Tumakas na kayo! Pwede bang isama ninyo ang anak ko kahit siya na lang ang mabuhay. Okay na kami mag-asawa kahit ang anak na lang namin. Please kayo na ang bahala sa kanya ha." Umiiyak ka pakiusap niya sa mag-asawa at saka binitawan ang kamay ng anak na mahigpit na nakahawak sa kamay niya. Tsaka tumakbo na siya pabalik sa kinaroroonan ng kanyang asawa. "Mommy ko! Daddy ko!" palahaw ni Arlott. "Halika na Arlott, hayaan mo na ang Mommy at daddy mo makaligtas sila tayo kailangan nating makalayo para hindi na tayo nila mahuhuli pa!" wika naman ni Nelly at hinawakan nasa kamay ang bata. Ang kanya namang asawa na si Roland karga pa rin ang kanilang anak na si Marilag. Kahit napaka-dilim ng gabi wala silang tigil sa pagtakbo, kailangan nilang makalayo at makaligtas hindi maaaring masayang ang pagsasakripisyo ng mag-asawa para lamang makaligtas sila. Lalo silang nagmadali ng makarinig ng sunod-sunod na putok ng baril tuluyan ng napahagulgol si Nelly dahil batid niya na napahamak na ang mag-asawang nag sakripisyo para lang makaligtas sila. Kaya mabilis silang tumakbo ng tumakbo sa kadilimang iyon ang nasa isipan lamang nila ay makatakas. Andon iyong nadadapa, nagagalusan sa balat. Sige lang sila takbo lang ng takbo. Hanggang sa maulinigan nila na nakasunod na ang mga hayop na bandido sa kanila. "Please, asawa ko, mauna na kayo isama mo ang mga bata. Ililigaw ko lamang sila! Makaligtas lang kayo sapat na iyon!" wika naman ng kanyang asawang si Roland. "Hindi! Hindi ako papayag! Di tayo maghihiwalay, magkakasama na tayong apat. Parang awa mo na magpatuloy na lamang tayo sa pagtakbo, kailangan lamang natin makalayo at makabalik sa patag mula doon makakahingi na tayo ng tulong. Kaya sige na tama na iyong nagbuwis ng buhay ang dalawa, sama-sama lang tayo." pakiusap ni Nelly sa asawa mabuti na lamang at pumayag ito kaya naman nagpatuloy na lamang ulit sila sa pagtakbo. Walang kapagurang lakad-takbo ang kanilang ginawa ngunit ramdam pa rin nila ang mga sumusunod na bandido sa kanila kaya hindi pwedeng tumigil lamang sila sa pagtakbo. Nadadapa, natitisod, at nagagalusan dahil sa mga naaapakan nilang matatalas na bagay at maging ang mga dahon na matatalim na humihiwa sa kanilang balat pero wala siyang pakialam. Kailangan nilang makatakas kailangan nilang matiyak na mabubuhay sila dahil ayaw nilang masaya nga sa pagsasakripisyo ng mag-asawa. Ngunit.... "ArRgghh...!" daing ni Roland. Dahil hindi nila napansin na ang tinatahak pala nila sa dulo niyon ay isang bangin. Sa kasamaang palad nalaglag ang kanyang asawa na karga ang kanilang anak na si Marilag. "Diyos ko! Marilag! Asawa ko!" malakas na sigaw ni Nelly. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD