CHAPTER 1

1540 Words
MARAHANG tinanggal ni Carylle ang suot na shades. Ngayon ay hindi na maitatago ang pamumumula ng kanyang mga mata, hindi dahil sa alikabok at matinding sikat ng araw kundi dahil sa sari-saring emosyon na kanina pa niya gustong ibulalas kahit kaninang nasa bus pa lang siya. Ngunit alam niyang hindi manhid ang lalaking kaharap niya upang hindi siya mahalata. She noticed the changes on Jude’s face and body. Medyo humpak ang magkabilang pisngi nito at mukhang napabayaan na ang tumubong balbas. There were dark rings below his chinky eyes. His body was slimmer but the toned muscles were still evident. Wisps of hair were hanging on his forehead and nape. But those physical changes did not affect her admiration on him. For her, he was still the most handsome and most appealing guy she ever met in her entire life. His new look only made him more manly in her eyes. “They keep on asking about you,” she said calmly while her eyes were glued on his face. Jude heaved a deep sigh. “They know me well, sweetheart. Kapag umalis ako, buwan ang bibilangin bago ako bumalik.” “But not this time, Jude,” she managed to control the pain in her voice. “You have gone for almost three months. You ceased to contact me, even your friends and family.” “Alam mo namang may tinatapos ako,” may himig inis sa tinig ng lalaki. “Why can’t you understand my work?” “Ang tagal naman ng isang iyan? Dati-rati ay nakakatapos ka ng isang story sa loob ng tatlong linggo o isang buwan, di ba? I can’t understand why you have to stay here for a very long time.” “This one is different, swetheart,” tila inis na pagpapaliwanag nito. “I have to make it extraordinaire because I know that this one will give me a break.” Oo nga pala, sa isip niya. Ang sinusulat ngayon ng kanyang kasintahan ay hindi isang horror novel na pang-pocket book lang. He was writing a script for a big-budgeted local movie that if lucky enough, will be shown also internationally. Isang producer kasi ang nakapansin sa talent nito nang sunod-sunod na maging bestseller ang huling horror novels na sinulat nito. And the price that was offered by the producer was something that couldn’t be refused. But she knew that he was not after the money. He had his own business in Manila and its revenue was enough to make a decent living, aside from the fact that he also came from a well-off family. Because if not, he would not be able to sustain the expensive accommodation in this resort. Hilig lang talaga ng binata ang pagsusulat. Kung kaya sa halip na nagpa-practice ng kursong tinapos ay heto at nagsusumiksik ito sa daigdig ng pagsusulat ng mga kababalaghan at katatakutan. Pero kungsabagay, papa lang naman nito ang may gusto ng kursong Accountancy sa dahilang ito ang inaasahang hahawak ng kanilang mga negosyo bilang nag-iisang lalaki sa tatlong magkakapatid. Pero nang mabasa nito ang sariling kuwento na inilabas ng isang sikat na publishing company, hindi na napilit pa itong magtrabaho sa kumpanya sa halip ay nahumaling na nga ito sa pagsusulat. Ngunit pagsusulat ng mga istoryang pampelikula talaga ang target nito. Ginamit lang niyang stepping stone ang pagsusulat sa pocketbooks. Aniya, pambabae lang daw ang linyang ito. They were college sweethearts, at mag-aapat na taon na ang kanilang relasyon. Kung kaya, kilalang-kilala na niya ang katipan. Ang mga weaknesses nito, ang mga tantrums, ang mga likes and dislikes. Pero masasabi niya na nagtagal ang kanilang relasyon dahil na rin sa matinding love and patience na iniuukol niya dito. Bilang isang alagad ng sining, talagang nahihirapan siya na pakibagayan ang naiibang ugali ng binata. Pero aminado siya sa sarili na talagang mahal niya ito kung kaya nga ba kahit napakalayo ng Calatagan mula sa Ortigas kung saan nagtatrabaho siya bilang Senior Officer ng isang malaking call center agency ay nagtiyaga siyang magbiyahe via BLT. Pagdating naman sa bayan ay kinailangan pa niyang mag-arkila ng tricycle na maghahatid sa kanya sa resort na ito, ang Ocean Enchantress Beach Resort na lubhang napakalayo sa kabayanan. Pero ang lahat ay kaya niyang tiisin alang-alang sa lalaking minamahal. Parang may bara ang lalamunan nang muli siyang nagsalita. “Bakit ganyan ang tono mo? Hindi mo ba naisip man lang ang hirap na dinanas ko makarating lang sa lugar na ito na nasa dulo na yata ng Pilipinas? Bakit kasi ang dami namang resort somewhere in Laguna or Tagaytay, bakit dito mo pa naisip na tumigil nang ganito katagal?” “Carylle,” tumaas na rin ang tono ng lalaki. Kumirot ang dibdib niya sa pagtawag nito sa kanyang pangalan. “I temporarily cut the communication between us so as not to bother you. I didn’t ask you to come here in the first place, bakit ikaw itong mareklamo?” “Because you didn’t bother to call me. Malay ko ba kung inubos ka na ng mga pating dito? O kaya naman ay kung may ibang babae ka nang kasama dito?” tumaas na rin ang boses niya dahilan upang magtinginan sa kanilang direksyon ang ilang guests ng resort. “My gosh,” mas mataas ang tono nito. “Can’t you understand? Ini-off ko ang cell phone ko dahil ayaw kong maabala sa trabaho. Mahirap bang intindihin iyon? Kahit ipagtanong mo sa mga tauhan dito, hindi ako halos lumalabas ng cottage. Kung hindi nga lang sinabi ng butler ko na ikaw ang dumating, hindi talaga ako lalabas.” “So, talagang nakalimot ka na?” may himig pagtatampo sa tinig niya. Sinadya niyang hindi ipaalala sa kasintahan na kahapon ay fourth year anniversary nila. Ngayon ay parang gusto na niyang makumbinsi na nalimutan na rin nito maging ang pinakaimportanteng araw sa pagitan nilang dalawa. Maya-maya ay lumapit sa kanila ang isang waiter, dala ang pagkaing inorder ng binata. “Alam kong hindi ka mahilig sa seafoods kaya ito na lang ang inorder ko,” wika nito habang nilalagyan ng pagkain ang plato niya. Alam niyang paraan lang ito ng lalaki upang tapusin na ang kanilang pagtatalo kung kaya tumahimik na lang siya at ibinaling ang tingin sa mga cottages na nakatirik sa tubig. Mataas ang kinalalagyan nila kung kaya tanaw niya pati ang bubong ng mga iyon. May isang dosena ang mga cottages na nakatayo sa dagat at alam niyang isa sa mga iyon ang inookupa ng imposible niyang kasintahan. Maganda at tahimik ang lugar. Perfect para sa mga taong naghahanap ng katahimikan kung kaya marahil ito ang napili ni Jude. Ngunit nagtataka siya kung bakit mangilan-ngilan lang ang mga guests ng resort samantalang puwedeng-puwede itong makipagsabayan sa mga naggagandahang resort sa lugar na iyon. Paano kaya nakakatiis sa napakalungkot na lugar na iyon ang lalaking ito? Tanong niya sa sarili. Batid niyang huni lang ng mga ibon at tunog ng alon ng dagat ang maririnig kapag nasa loob ng cottage. “Here’s your favorite, chop suey with quail eggs,” basag nito sa katahimikang namamayani sa pagitan nilang dalawa. Walang kibong sumubo siya kahit halos ayaw lumampas sa kanyang lalamunan ang pagkain kung kaya agad niya itong sinusundan ng tubig. Masamang-masama ang loob niya sa kasintahan. Paano’y hindi man lang nagpakita ng pagkasabik sa kanya ang kasintahan kaninang dumating siya. Halata pa nga na nagulat ito at parang hindi natuwa sa kanyang pagdating. Samantalang noong nagpaalam sa kanya ang kasintahan three months ago ay nangako ito na tatapusin ang story na sinusulat sa lalong madaling panahon at pagkatapos ay aasikasuhin na nila ang kanilang kasal. Mahal siya ni Jude, alam niya iyon. Pero ngayon ay may kakaiba siyang nararamdaman. Parang hindi na siya ang dating Jude na mapagmahal, maalalahanin at romantiko. Mula pa kaninang dumating siya ay hindi pa siya nito niyayakap o hinahawakan man lang. At labis niya iyong ipinagtataka. “Siguro ay wala nang dahilan upang magtagal ako rito. Basta nalaman kong buhay ka pa pala ay sapat na iyon upang bumalik na ako sa Maynila,”she said calmly. She opted not to look at him. She just glued her eyes on her plate. Bahagyang natigilan ang lalaki, mukhang nakahalata sa kanyang pagdaramdam. “Past two na, sweetheart. Saka alam kong pagod ka sa biyahe, makabubuting magpahinga ka muna, then ipapasyal kita sa buong resort.” “Gagabihin ako saka alam kong masyado na akong nakakaabala,” she intentionally did not pay attention to his words of concern but her heart almost leapt when he called her ‘sweetheart’ again. “At sino’ng maysabing uuwi ka ngayon? Please, stay, sweetheart. Huwag namang masyadong matigas ang ulo, okay?” his dark eyes stared at her. Kapag ganoon na ang tono ng kasintahan ay medyo lumalambot na kahit papano ang damdamin niya. At least, kahit papaano ay nagpapakita pa rin ng concern sa kanya ang binata. Ibig sabihin noon ay mahalaga pa rin siya rito. She flashed a short smile. Nagdidiwang ang puso niya. Ang totoo ay gustong-gusto talaga niyang mag-stay. She missed him so much. If he only knew how much she missed him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD