Pagkatalon sa tubig ay mabilis silang lumangoy palayo sa motor boat. Ilang dipa pa lang ang layo nila ay bigla na itong naglagablab. “Dali, sa isang bangka,” wika ni Jude nang maramdaman naman nila ang unti-unting pag-init ng tubig. They immediately ran towards the other boat. Pagkasampa nila ay siyang pagkulo naman ng tubig-dagat. Napamura si Jude. “s**t. Kanina’y muntik na tayong malitson, ngayon naman ay muntik na tayong maging nilaga.” Pigil ang hininga na wala silang nagawa kundi panoorin na lang ang tubig habang patindi nang patindi ang pagkulo nito. Naramdaman nila ang init na isinisingaw ng dagat. “We’re not yet safe,” sabi niya sabay buntong-hininga. Kapag hindi tumigil sa pagkulo ang tubig, maluluto tayo rito. “Ano’ng gagawin natin ngayon?” nag-aalalang tanong ni Crys
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


