Nang makalabas na ako ng university, naglakad na lang ako dahil tinatamad akong gumamit ng skateboard ko ngayon.
Ilan minuto nakauwi na ako at dumeretso na sa living area, naabutan ko sila mommy na nakaupo doon at wala pa si Daddy.
"Nandito na po ako." Saad ko sa kanila.
Lumapit ako kina mommy at kuya, humalik ako sa pisngi nila.
"Umupo ka muna dale." Sabi ni Kuya Renz.
Umupo ako sa tabi ni kuya ng marinig namin yung sasakyan ni Daddy.
"Nandyan na pala yung daddy niyo." Biglang saad ni Mommy.
Pumasok si Dad at humalik sa pisngi ni mommy.
"Anak Leslie, may sasabihin ako pero sana maintindihan mo kasi para din ito sa ikakabuti at ikakaganda ng buhay mo in the future." Panimula ni Daddy.
Tumango ako kahit parang hindi ko naiintindihan. "Ano po ba yun dad?"
"Kailangan kitang ipakasal sa anak ng best friend ko, sa ikakaganda naman ng buhay mo ito."
Nagulat ako sa sinabi niya. "Pero dad naman."
"Wala ka ng magagawa anak." Seryoso na sabi ni Daddy.
"Ayoko dad, masyado pa akong bata para diyan, hindi ko nga kilala iyon e."
"Iyon na ang desisyon ko, leslie wala ka nang magagawa." Bakas pa din ang pagkaseryoso sa boses niya.
Hindi na ako sumagot at tumayo na ako upang umakyat sa itaas papunta sa kwarto ko.
Pagkapasok ko sa loob at humiga sa kama ko. Tumingala ako sa kisame. Napabugtong hininga na lang ako.
Hindi ko maisip na ikakasal na ako, 18 pa lang ako. May gusto pa akong magawa sa buhay at hindi asawa kaagad.
Tumayo na ako at nabihis, humiga ulit sa kama ng biglang may kumatok at nagbukas ito.
"Dale kumain ka na doon." Sabi ni Kuya Renz.
"Mauna na kayo, wala akong gana ngayon kuya."
"Alam mo dale para naman sa ikakabuti mo iyon."
"Pero wala pa sa isipan ko iyon, madami pa akong gustong gawin sa buhay ko." Giit ko.
"Magagawa mo naman iyon e. Wala naman nagbabawal sayo, pag-isipan mo ng mabuti. Bababa na ako." Sabi nito bago ako iniwan.
Pagkatapos lumabas ni kuya. Pumunta ako sa study table ko para magdrawing ng anime.
Ito lang kasi yung gawain ko tuwing gabi, pagkatapos magdrawing na matutulog na kaagad ako.
Ayoko munang alalahanin iyon maiinis lang ako.