3RD POV
Makalipas ang 6 na taon, payapa at matiwasay na namuhay ang mag-asawa kasama ang dalawang anak nila. Napagdesisyon na din magpakasal nila Alexander pagkatapos manganak si Leslie sa panganay na anak nila.
Nakuntento si Leslie at Alexander kung ano ang meron sila sa buhay. Masaya sa dalawang anak na lalake at babae.
Hindi inakala ni Leslie na mapapamahal sa kanIya si Alexander ng sobra.
"Mommy tara na po." Sabi ni Alex ang panganay na anak nila.
Natatawang sumunod ito buhat ang bunso nila na babae na si Charlaine.
"Ito na, dahan-dahan baka madapa ka alex."
"Mom, baba po." Sabi ni charlaine.
Ibinaba naman ito ni Leslie saka ito pinanood ang mga anak na naglalaro sa labas, nang maramdaman niya na may yumakap sa kaniya na alam naman niya kung sino.
"Wife thank you." Malambing na sabi nito habang pinapanood din ang mga bata.
"For about what xander?" Tanong ni Leslie saka ito humarap sa kaniya.
"For everything, sa pagmamahal, sa pagiging asawa, sa pagaalaga sa amin ng mga anak natin."
"Wala kang dapat ipagpasalamat, obligasyon ko iyon bilang asawa mo at ina ng mga anak mo." Saka ito hinalikan sa labi.
"I love you wife."
"I love you too xander." saka nito hinalikan sa pisngi at niyakap ang asawa.
Lumipas ang taon na madami silang naunawaan, inaamin nila minsan na nag-aaway sila pero kaagad naman itong nagagawa ng paraan para maayos ang lahat.
Lumipas ang araw, buwan, at taon na lalo pa nilang minamahal ang isa't isa.
THE END