Candy's POV Nang mailapag ko sa kama si Courtney ay dumiretso ako sa banyo para maligo. Nagawa ko pa rin maligo kahit puno ng kaba at takot ang nararamdaman ko. Hindi pa rin maalis ang inis ko kay Kyle. Pinalipas pa niya ng isang gabi kung puwede naman ngayon niya ibigay ang pera para mabawi si Cooper. Ang sabi niya, papatayin si Cooper kapag nagpumilit pa siya. Bakit nila papatayin kung pera ang kanilang kailangan? Puwera na lang kung may iba pa silang motibo? Nagdududa na ako sa mga taong kumidnap kay Cooper. Hindi kaya may kinalaman sa pagkatao ni Kyle ang mga taong ito? Habang nasa tapat ng shower ay nabalot ng katanungan ang buong pag-iisip ko. Kapag nalaman kong may koneksyon ito sa pagkatao ni Kyle, siya ang sisisihin ko kapag may nangyaring masama kay Cooper. Nadadamay ang bata

