Naka-ayos na kami, nag-suot ako ng isang payak na asul na bistida. Nilagyan ko ng sinturon para lumitaw ang kurba ng aking katawan. Nagsuot na rin ako ng hikaw at kwintas na bumigay sa aking suot na bistida. Pinarehasan ko naman iyon ng isang mataas na takong na kaya bahagyang tumaas ang aking height. Samantalang si Gerald naman ay nagsuot ng puting polo at itim na pantalon na binagayan niya ng itim na sapatos. Humarap kami sa salamin at kumuha muna ng litrato ng magkasama. “One, two, three, say cheese,” pabiro kong sambit. Sabay ng pag-flash ng cellphone ay ang pag-lagay niya ng kaniyang kamay sa aking baywang. “Hala! Baka ang pangit ng kuha natin,” bulalas ko. “Hindi,” nakangiti niyang sagot. Tinignan ko ang kuha namin, tama nga siya, sakto kasing pagpindot ko ay siyang paglagay n

