“Thank you for buying some of my paintings,” sambit ko. Nakipag-kamay akong muli sa kanila, sobra akong nagpapasalamat na tinahkilik nila ang aking mga obra. “Sa susunod mas mahal na itong mga likha mo,” wika ni Ms. De Guzman. Nagtaka naman ako sa sinabi niya kaya napatanong ako, “bakit naman?” ani ko. Ngumiti ito sa akin at sinabing, “hindi ba kapag namatay na ang may likha ng mga ito mas nagiging mahal ang halaga?” turan niya. Kinabahan naman ako pero tama naman ang kaniyang tinuran sa akin, mas mahal ang valie kapag patay na ang nagpinta ng mga obra. Ngumiti ako sa kaniya at sumagot, “tama, pero matagal pa naman siguro bago magmahal ang mga likhang sining ko,” “Oo, matagal pa,” aniya, “bata ka pa naman kasi,” dagdag pa niya. Tumingin ito sa akin at sa lahat ng tao na naririto s

