“Grabe!!” bulalas ni Alexa. Natatawa akong tumingin sa kaniya. “Nakita ko nga pala iyon,” aniya. “I told you,” sambit ko. Natapos na ako sa harap ng salamin at inaya siya na lumabas na. Lumabas na kami at masayang nagtatawanan dahil sa mga naaalala niya sa nakaraan. “Alam mo na kung gaano ka kakulit noong college tayo?” wika ko. “Oo, parang hindi ako,” sagot niya. “Oo, mataray ka na ngayon eh,” sambit ko. “Slight lang,” aniya. Naabutan naman namin sila Jaeryll at Imee na nanonood at masayang nagtatawanan. Si Jaeryll ay nasa kabilang bahagi ng front desk at nakayuko ngbbahagya para makita ang pinapanood ni Imee. “Ang galing ng bida,” turan ni Jaeryll. “Oo, lalo na yung naglabas na siya ng super powers niya,” kwento naman ni Imee. Nakatitig lang ang dalawa sa kanilang pinapanoo

