Napatingin ang mga taong bumalik para makiramay sa maliit na komosyon na iyon. Nagulat naman ang mag-ama gayon din sina Christine at ang iba na naroon sa hindi inaasahang pagkikita nina Alexa at ang kaniyang ama. “Anong ginagawa mo— niyo rito?” tanong ni Alexa. Mas binilisan ni Alexa ang paglalakad para makalapit sa kaniyang ama at hininaan na rin ang kaniyang boses para ‘di na makagawa pa ng eksena sa lamay. “Kapatid ng pamangkin ni Josephine ang namatay,” sagot ng Daddy ni Alexa na si George. Napatingin si Alexa kay Pina na tila may hinahanap saka ito napatingin kay Jaeryll na bakas sa mukha ang pagkagulat sa nangyayari. “She’s your aunt?” tanong ni Alexa kay Jaeryll. Napagdugtong na ni Jaeryll ang lahat. Ang sinasabing babae ng ama ni Alexa ay siyang kaniyang tiyahin. “Yeah,” sag

