Tuluyan nang napaghiwalay ni Jaeryll ang dalawa ngunit kapwa ito’y ayaw magpatalo. “Tumigil na nga kayo!” sigaw ni. Jaeryll. Napatigil naman sila nang sumigaw na si Jaeryll. “Look, I’m sorry,” wika ni Mr. Robinson. “Sorry,” sambit ni Gerald. “Kung gusto niyong mag-away, lumabas kayo p’wede?” saad pa ni Jaeryll. Natahimik bigla ang dalawa at naglakad palabas ng morgue. Napailing na lang ang natira sa loob ng silid. “They don’t listen huh,” wika ni Jaeryll. Agad na tinakpan ni Jaeryll ng kumot ang mukha ng kaniyang ate. “See you, ate,” sambit ni Jaeryll. Naawa naman si Imee sa nobyo sa nangyari ngunit wala siyang magawa para mapagaan ang loob nito. “Tara na, aasikasuhin ko pa bills ni ate,” wika ni Jaeryll “Ah, sige sige,” tugon ni Imee. “Mauna na muna kami, salamat sa pagdala

