Habang tumatakbo si Christine ay narinig nito ang pagputok ng baril. Napahinto siya at napatingin sa kaniyang pinanggalingan. “Babe...” mahina niyang sambit. Nag-aalala na siya kay Gerald dahil nga baka nahuli na o nabaril ito ng lalaki. Nagtatalo ang kaniyang isipan kung babalikan niya ba o hindi ang kasintahan. Naalala ni Christine na sa pamilya ni Gerald ang lupa na ito, kaya sinundan na lamang niya ang kaniyang instinct at nagbaka-sakaling makarating sa pinakadulo nito kung saan naroon ang caretaker. “Kailangan kong makaligtas para mailigtas si Gerald,” sambit ni Christine. Tumakbo ng tumakbo si Christine hanggang sa makarating siya sa pinakamasukal na parte kung saan napahinto siya dahil sa pagkataranta. “Oh my! Mali ang nadaanan ko, mas lalong naging madilim dito,” aniya. Sa s

