Hindi makapaniwala si Alexa na walang kahirap-hirap na makukuha niya ang bulaklak nang tumalon-talon ang bouquet dahil sa mga nag-aagawan na dalaga. “Nice, thanks!” wika ni Alexa. “At mayroon na tayong sunod na ikaka—” sambit ng host. Pinutol ni Alexa ang pagsasalita ng host. “Wait! Ibibigay ko kasi ‘to,” wika ni Alexa. Napatigil ang lahat at hinihintay kung sino ang pagbibigyan nito ng nakuha niyang bouquet. “Oh wait! Let me take a selfie first,” turan ni Alexa. Nagtawanan naman ang mga tao nang marinig iyon. Tinotoo nga ni Alexa ang kaniyang nais. Kinuha niya ang kaniyang cellphone sa nakatalagang mesa niya at kumuha ng litrato kasama ang bouquet. Matapos siyang kumuha ng litrato ng ilang ulit ay napagpasyahan na nitong lapitan ang babaeng pagbibigyan niya nito. “This bouquet d

