“Wow, ang gaganda ng mga likha mo,” sambit ni Jaeryll. Nakatitig siya ngayon sa mga pininta ko. “Thank you,” sagot ko. Kumapit naman na muli si Alexa sa braso ni Jaeryll. “See? I told you, my Bessy is the best when it comes to art,” usal ni Alexa. “Yeah, so beautiful,” sagot ni Jaeryll. Bigla naman sumulpot si Imee para sabihin ang tungkol kay Joyce. “Excuse, Miss Tin,” aniya. Humarap kaming tatlo kay Imee. “Why?” marahan kong tanong Malungkot ang expression ng mukha ni Imee sa pagkakataon na ito. “It’s about Ms. Joyce,” sambit niya. Nagtaka naman ako dahil sa pagkakalaam ko ay masama ang pakiramdam ni Joyce. “She’s on her way to the hospital, maybe she can’t be here tomorrow she said,” turan ni Imee. Nag-alaala ako sana ay ‘di malala ang nararamdaman niya. “Do you know the

