Ngayon ay nasa pinto si Imee na hininhintay si Gerald. Mga twenty minutes din ang tinagal bago nakarating ito dahil sa traffic jam. “Where’s Christine?” tanong ni Gerald. “Nasa working area, tara,” sagot ni Imee. Nauna nang maglakad si Imee at sumunod naman si Gerald. Pagpasok pa lang ay agad na nakita ni Gerald si Christine na nakaupo at si ‘di kalayuan ay nakaupo rin si Joyce. Agad nilapitan ni Gerald ang kasintahan. “Christine,” tawag niya rito. Tumingin si Christine kay Gerald na may takot sa mga mata. Niyakap siya ni Gerald at hinaplos ang kaniyang buhok. Dahil doon ay napaiyak si Christine. “Sshhh, what happened?” tanong ni Gerald habang pinapatahan ang kasintahan. Patuloy pa rin sa pag-iyak si Christine. Lumapit si Imee sa dalawa at ini-abot ang cellphone na hawak niya.

