Chapter 111

1036 Words

Ngayon ay nakaupo si Aling Conching, nakapiring ang nga mata at nakagapos ang kamay sa upuan. “S-Sino ba kayo? Matanda na ako, w-wala kayong makukuha sa ‘kin!” giit ni Aling Conching. Naiirita na ang isa sa mga lalaking dumakip kay Aling Conching dahil sa ingay nito magmula nang magising. Tumayo ito at inihagis ang hawak na sigarilyo sa sahig. “P’wede ba?! Huwag kang maingay!” galit na wika ng kidnapper. Nagulat si Aling Conching sa lakas at laki ng boses ng lalaki. Nakaramdam ng takot si Aling Conching. Agad naman na pinigilan ng kasamahan nito ang akmang paglapit kay Aling Conching. “Hindi ka naman namin sasaktan, sabi ng amo namin,” wika ng isa pa. Nakahinga ng maluwag si Aling Conching. Ngayon, napag-alaman niyang hindi siya nito sasaktan pero kinakailangan pa rin niyang makatak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD