“Ang sarap! Salamat sa pagkain,” bulalas ko. “Salamat at nasarapan kayo,” sambit ni Alexis. Kaniya-kaniya kaming ligpit ng aming pinagkainan. Ako ang huling nagpunta sa lababo at akmang maghuhugas na sana ako ng pinggan nang pigilan ako ni Alexis. Hinawakan niya ako sa aking kamay at marahan na idinulas para tanggalin ang dishwashing foam. “No, ako na, bisita ka namin,” aniya. Nagulat ako. “O-okay, salamat,” wika ko Medyo nailang ako kaya binilisan ko na lang ang paghugas ko ng aking kamay dahil nalagyan na ito ng sabon. “Sure ka?” tanong ko. “Oo naman, sanay na ako maghugas,” sagot niya. “Sige, punta na muna ako sa sala,” sambit ko. “Sige,” tugon niya. Lumabas na ako sa kusina. Nag-aalangan ako sa nangyari at inisip ng mabuti kung bakit ko iyon naramdaman. Umiling-iling ako

