Nakarating na si Alexa, bumusina ito ng malakas sa gate nila Christine. Narinig naman iyon ni Aling Conching. “Si Alexa na ata iyon,” sambit ni Christine. Natapos nang maligo at magpalit ng damit si Christine gayon din ang pagkain ni Gerald habang naghihintay sa kasintahan. “Sige, ako na ang magbubukas,” wika ni Aling Conching. “Ay, sige po! Salamat,” sambit ni Christine. Lumabas na si Aling Conching at binuksan ang gate, ipinasok ni Alexa ang sasakyan sa loob ng bakuran nila Christine at nang siya’y bumaba sa sasakyan ay laking gulat ni Aling Conching dahi sa suot ng dalaga. “Ay Diyos por Santo!” bulalas ni Aling Conching. Nag sign of a cross pa si Aling Conching dahil sa pagkagulat nang makita ang suot ni Alexa. “Oh my! Why, Aling Conching?” tanong ni Alexa. Lumapit ito sa matan

