Gerald’s POV Hindi ako makatulog. Iniisip ko ang kalagayan ni Christine. Sa katunayan ay nag-aalala ako sa kaniyang kaligtasan. Alam ko naman kung sino ang may gawa ‘non, wala lang akong matibay na ebidensya. Pero bakit ganon na lamang ang galit niya? Aksidente lang naman ang nangyari at napatunayan iyon sa hukuman—, ni Mama. Si Mama ang attorney ng pamilya ni Christine noong panahon na iyon, at lumalabas sa lahat ng nakalap nilang ebidensiya ay aksidente ang nangyari. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ako pwedeng kumompronta ng walang ebidensya. Kailangan kong mag-isip at gumawa ng paraan para sa ikabubuti ni Christine. Hinaplos ko ang kaniyang mukha, napakahimbing niyang natutulog. Tumayo ako at kinuha ang aking cellphone sa bulsa ng pantalon. Umupo ako sa tapat ng bintana at

