Chapter 33

1309 Words

Nasa Slex na kami nang makaramdam si Alexa ng sama ng tiyan. “Kumukulo tiyan ko,” aniya. Nasa harapan ko ngayon ang kambal. “Gagawin ko?” tanong ni Alexis. “Bilisan mo at humanap ka ng pinakamalapit na may banyo,” turan ni Alexa. “Lalabas na ba?” tanong ko. “Oo, malapit na,” aniya, “Ikaw bilisan mo magmaneho,” utos niya sa kambal niya. “Bahala ka, nakikita mo naman na tatlong minuto pa ang pinakamalapit na gas station dito,” sagot ni Alexis. Huminga ng malalim si Alexa at ibinuga iyon ng malakas. “Hindi ka ba naglabas kanina habang naliligo?” tanong ni Alexis. “H-hindi, kaya huwag ka na magtanong pa,” saad ni Alexa. Natatawa na nag-aalala ako kay Alexa. Baka biglang sumirit iyon. “Bilisan mo na, Alexis,” turan ko. Napa-singhal naman ito saka binilisan ang pagpapatakbo ng kotse

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD