Chapter Fourteen

1650 Words
[Sa book version na iku-kwento ni Kenny boy ang tungkol sa “second round” nila ni Keira sa tent na `yon. HAHAHA!] Pagkamulat na pagkamulat ko ng mga mata ay nakangiting mukha ni Ken ang agad na bumungad sa akin. And with that smile, I can’t help but think that maybe he has this entire factory of dazzling smiles. Shiz. Bahagya kong itinaas ang isa kong kamay ang gently stroked his cheek. Everything I felt for Ken is magnified a hundred times—like, lust and yearning… At mahirap palang pagsama-samahin `yon kasi feeling ko ay sasabog ang dibdib ko. To think na wala pang ‘love’ sa mga nabanggit ko. Umupo na ako at napansin kong naka-boxer shorts na si Ken habang wala naman akong ni isang saplot sa katawan. Inabot sa `kin ni Ken ang mga damit na suot ko kagabi. “So what’s the plan for our last day here?” I heard him ask. Honestly, nalungkot ako nang maaalala kong last day na nga pala namin ngayon dito sa Batangas. Bukas ng madaling araw ay tutulak na kami pabalik ng Maynila at babalik sa kanya-kanya naming buhay before this vacation happen. Naisip ko, makakabalik pa kaya ako sa dating buhay ko without thinking of him? I mean Ken. Bakit ngayon pa lang ay parang nami-miss ko na siya? I will miss his smile, his eyes, his touch and everything about him. But I decided to brush off the idea. Of course you will miss him when you get back to Manila, Keira. That’s pretty normal. That’s what normal people feel when they spend few days with some total strangers and suddenly they go back their old lives. And yes you will miss Ken, but only for a while. But believe me; it would only for few days and you will just see, you’ll be fine again. Like nothing memorable happen, sabi ng mas rational na bahagi ng utak ko. Yeah, right. It’s just some sign separation anxiety, Keira. You’ll be fine, pag sang-ayon naman ng isa pang bahagi ng isip ko. “I wanna be spontaneous today. Let’s just see what we can do in this place,” sagot ko kay Ken na nagsusuot na rin ng damit. “Okay,” nakangiting sagot niya bago tuluyang binuksan ang tent. Kung mainit na sa loob ng tent ay mas doble pa ang init sa labas lalo na at pasado alas-diyes na ng umaga. Abala na ang ibang mga bakasyunista sa kanya-kanyang activities. Matapos i-secure ang mahahalagang mga gamit namin sa kotse ay naglakad kami ni Ken papunta sa nag-iisang tindahan sa beach na `to. We decided na doon na lang kami kumain. At habang magkasabay na naglalakad ay kapuna-puna ang pareho naming pananahimik. Like awkwardness finally decided to take its toll on us. The deafening silence is just so awkward. Nagpatuloy ang pananahimik namin kahit hanggang sa matapos na kaming kumain. Pero nang tumayo na kami ay naramdaman kong ginagap ni Ken ang isa kong kamay at hinila ako papunta sa direksiyon ng tabing dagat. Malakas ang ihip ng hangin kaya nililipad niyon ang malaya kong buhok na hindi ko na nagawang itali. Huminto kami ni Ken sa lilim ng isang mayabong na puno na medyo malayo na sa karamihan ng mga bakasyunista. It wasn’t the best part of the beach but for me, it is. Just standing here while Ken is holding my hand feels like this the most beautiful place on earth. Actually, hindi naman na mahalaga ang lugar. Kasi ang mahalaga na lang ay ang kasiyahang naidudulot ng pagkakasalikop ng mga kamay naming dalawa. At kung kelan pakiramdam ko ay malulunod na ako sa emosyong nararamdaman ko, narinig kong nagsalita si Ken. “Can you see it right there?” tanong niya na itinuro pa ang dagat. “Where two waves collide and become one?” Tumango ako at hinayaan siyang magpatuloy. “I think it’s funny. Naisip ko, gaano kaya katagal ang itrinavel nila sa dagat para magtagpo sila? Maybe years, or thousands of years… just for this one beautiful moment right here, and right now. And you know what happens next?” aniyang tumingin pa sa akin. “Tell me,” hikayat ko sa kanya. Humarap sa akin si `kin at marahang hinaplos-haplos ang pisngi ko. “When they find each other, they crash and go back to the sea and start to search one another again.” Tila may kung anong bumara sa lalamunan ko matapos ang naging pahayag na `yon ni Ken. The words he used were deep and beautiful. Pero agad naintindihan ko ang nais niyang ipabatid. Ihinalintulad niya kami sa dalawang alon. Na sa tagal ng inilakbay sa mundong ito, ay nagkita at nakagawa ng magagandang alaala. Pero katulad ng alon, muli kaming magkakalayo dahil iyon ang nakatakdang mangyari sa amin. Ngunit hindi doon nagtatapos ang lahat dahil may option kami na muling hanapin ang isa’t isa. Sa naisip ko’y parang may mainit na bagay na humaplos sa puso ko. Nangangahulugan ba ito na hahanapin ako ni Ken oras na makabalik na kami ng Maynila? Na gagawa siya ng paraan para hindi ito ang maging huli naming pagkikita? I’m not sure. Basta ang sure ako, unti-unting bumaba ang mukha ni Ken papunta sa mukha ko. Hanggang sa maglapat ang mga labi namin. At habang patuloy ang paghampas ng mga along nagawang gawan ni Ken ng kwento, pinagsaluhan naman ng isang halik na maaring isa na sa mga maging huli—o maging umpisa pa lang ng mas maraming halik na pwede pa naming pagsaluhan sa hinaharap. Who knows? We stayed a little bit longer on that same spot bago kami nagkayayaang maligo sa dagat. Doon lang kami sa medyo mababaw na hindi namin parehong in-anticipate na mabato pala at marami halamang dagat. Pero balewala ang mga iyon sa sayang nararamdaman naming pareho. Naglalakad pa lang kami papunta sa mas malalim na parte ng dagat nang bigla kong maramdamang tila may tumusok sa kaliwang paa ko. “Ouch!” daing ko nang mas maging pamilyar ang katawan ko sa sakit. Mabilis namang nakalapit sa `kin si Ken at hinawakan ako sa magkabilang balikat. “What happened?” usisa niya. “Parang may kumagat sa `kin,” sagot ko na itinuro ang kaliwang paa ko. Nang inspiksyunin ni Ken ang dagat ay narinig ko siyang magmura. “s**t!” aniya na mabilis akong pinangko at dinala sa pangpang. At dahil wala na nga kami sa tubig ay nakita ko ang maliliit na pulang spots sa paa ko. Inunat ni Ken ang paa ko at pagkatapos ay lumingon-lingon sa paligid. Medyo malayo kami sa ibang mga tao dahil medyo madamo nga sa parteng iyon at mabato rin. Sa pagkagulat ko ay inilabas ni Ken ang p*********i niya mula sa shorts na suot niya at mayamaya pa ay iniihian na niya ang paa kong kinagat ng kung ano. “Oh my God!” tili ko. “What are you doing?!” hysteria ko habang patuloy pa rin ang pag-ihi niya sa paa ko! Nang matapos ang kahindik-hindik na pag-ihi ni Ken sa akin—as in literal, ay saka lang niya nagawang mag-explain. “Nakagat ka ng sea urchin. It may be intentional or unintentional, but the effect is mapa-paralyze ang paa mo for few hours. Or depende sa magiging reaction ng katawan mo sa sting ng sea urchin na kumagat sa `yo. And to lessen the effect of the sting, I had to do what I did few seconds ago.” At iyon nga ay ang ihian ako. I didn’t know about sea urchins, its sting and its effect so I believed him. How could I not believe him when his eyes are so convincing. Like he know everything he has just said. “And how did you know about that?” tanong ko na nararamdaman na ang bahagyang pamamanhid ng kalawang paa ko. Ngumiti muna siya bago sumagot. “Coz I’m a BS Biology student.” And that’s the first thing that I’ve learned about him aside from his name. “Really?” Hindi makapaniwalang tanong ko. Ang akala ko’y engineering or business ad course ang na kinukuha niya. But I was wrong—totally wrong. At ang pangyayaring iyon ang naging simula para makapag-usap kami ni Ken ng tungkol sa mas mga personal na bagay tungkol sa buhay naming dalawa. “Ang dami ko pa palang hindi alam tungkol sa `yo,” natatawang saad ko. “Ako rin naman,” ani Ken. “It’s funny na ilang beses nang may nangyari sa atin pero wala man lang tayong masyadong alam sa isa’t isa. Like what’s your favourite dish, or your favourite color. You know stuffs like that.” Tumango-tango ako sa kanya. “Pwede naman nating simulan ngayon na kilalanin ang isa’t isa,” suhestiyon ko sa kanya. “Right,” sabi ni Ken. “But before that, let’s introduce ourselves first.” Tumayo siya at naglakad nang ilang hakbang paatras sa akin. Nang sapat na ang layo niya sa akin ay muli siyang naglakad palapit sa akin at nang nasa tapat ko na siya ay bahagya siyang yumuko at inilahad ang isang kamay sa `kin. “Hi! I’m Kenneth Nicholas,” pagpapakilala niya sa sarili na para bang iyon ang unang beses na nagkita kami. Sinakyan ko naman ang trip niya. Tinanggap ko ang pakikipagkamay niya. “Hello. I’m Keira—Keira Lopez. Nice to meet you.” And the moment he held my hand, it suddenly felt like the first time. There was spark and butterflies started to appear in my stomach. Such a weird but wonderful feeling.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD