Chapter Eight

1235 Words
Pagdating namin sa dagat ay mabilis na naglunoy ang mag jowang Hyori at Kenzo. Samantalang kumalas naman ako sa pagkakaakbay ni Ken at nagtatakbo palayo sa kanya. And of course, the good looking guy after me. Nang malapit na niya `kong maabutan ay sinipa ko ang tubig dagat na tumama naman sa mukha at dibdib niya. Tawa ako nang tawa dahil panay ang ilag ni Ken habang patuloy naman ang pagbasa ko sa kanya. Pero ang tawa kong `yon ay nauwi sa malakas na tili nang tuluyang makalapit sa akin si Ken at hinaklit ako sa bewang bago kami nagpaikot-ikot na para bang nasa eksena kami ng isang music video. Hindi pa nakuntento ay pinangko niya `ko at saka naglakad papunta sa medyo malalim na parte ng dagat bago ako basta na lang na binitawan sa tubig. Nang makatayo ay nakita kong halos mag-isang linya na lang ang mga mata niya dahil sa kakatawa. Sinabuyan ko siya ng tubig bago ako lumangoy palayo sa kanya. Pero bago pa man ako tuluyang makalayo ay naabutan na niya ako’t ngayon nga ay nakapulupot na naman ang mga kamay niya sa bewang ko. Bahagya na lang sumasayad ang mga paa ko sa buhangin dahil may kalaliman na ang kinaroroonan namin. Itinaas ko ang dalawa kong kamay papunta sa leeg niya at saka nakipagtitigan sa kanya. Hindi namin alintana ang init ng araw at ang ibang mga taong nasa paligid namin. Mas lalo niya `kong hinigit palapit sa katawan niya habang mas lalo naman akong nangunyapit sa leeg niya kasabay ng pagpulupot ng dalawa kong paa sa bewang niya. Dahil sa sobrang panggigigil ko sa kagwapuhan ni Ken ay hindi ko mapigilang hagkan ang ilong niya, pisngi, tainga at pababa sa leeg. I gently sucked his neck leaving a red spot on it. Naramdaman ko namang bahagyang tinampal ni Ken ang puwit ko matapos kong sipsipin ang leeg niya na para bang isa kong bampira. “Bawal maglagay ng chikinini, uyyy,” natatawang saad niya na ikinatawa ko rin. “Ganti ka na lang para fair,” sabi ko sa kanya na iniumang ang leeg ko. I saw fire burning in Ken’s eyes because of what I’ve said. Pero sa huli ay nagpasya siyang magpakahinahon at kalmahin ang sarili bago bumulong sa akin ng, “Mamaya na `ko gaganti,” he said in a sexy voice. And damn, it thrilled me so much. Ngayon lang yata naging exciting ang paghihiganti. Ilang minuto pa kaming naglunoy sa dagat bago ako nagyayang umahon dahil natatakot akong baka masyado naman kaming mangitim. Pagbalik namin sa cottage namin ay nagkayayaang uminom. Well, ano pa nga ba ang magandang gawin sa mga ganitong okasyon aside sa uminom? Bumili ng isang case ng beer sina Ken at Kenzo habang nilinis naman namin ni Hyori ang table sa may nipa hut dahil hindi nilinis ng mga huling kumain ang lamesa. Pagbalik nina Ken ay agad naming sinimulan ang inuman. Magkatabi sina Hyori at Kenzo habang hinila naman ako ni Ken palapit sa kanya at pinaupo sa pagitan ng mga hita niya. So basically ay nakasandal ako sa kanya habang panay ang tingin sa amin nina Hyori. “What?” nakamatang tanong ko sa kanila. “Bilis mo talaga, girl. Isa kang tunay na Hokage,” nanunudyong saad ni Hyori bago tumungga sa beer na hawak niya. Ngumiti lang ako sa kanya at kumuha ng tsitsirya at isinubo iyon kay Ken na para bang ang tagal na naming magkakilala. To think na wala pa halos isang araw kaming magkasama pero ganito na ako ka comfortable sa kanya. Nakapatong ang ulo ni Ken sa kanang balikat ko habang nakapulupot naman ang isa niyang kamay na tila ba may balak akong umalis sa kinapupwestuhan ko ngayon. No, Ken. I’m not going anywhere. Parami nang parami ang naiinom namin habang nagsisimula namang dumilim ang langit. Nararamdaman kong nagsisimula nang mag-init ang pisngi at leeg ko lalo na at panay ang himas ni Ken sa legs ko. Nang maubos ang beer ay nagkanya-kanyang tayo na kami. “Pahinga muna tayo, guys. Hanap na lang tayo ng makakakainan mamaya para hindi na tayo magluto,” sabi ni Kenzo na inalalayan ang bahagyang nahihilong si Hyori. Inakbayan ako ni Ken at sabay na kaming naglakad papunta sa cottage namin. Pagkasarang pagkasara niya ng pinto ay isinandal niya ako doon at kinorner gamit ang dalawa niyang kamay. Obviously ay may tama na rin siya dahil namumula na rin ang pisngi niya. “Maliligo muna ako, Ken. Nangangati na ang katawan ko,” sabi ko sa kanya. “Sabay na tayo,” ungot niya. So apparently, this is Ken’s naughty side. “Maliit ang banyo. Hindi tayo kasya kasi ang laki mo.” And it’s true. Maliit talaga ang banyo at kasya lang ang isang tao. Narinig kong bumuntong-hininga siya. “Okay. Pero bilisan mo, ha?” Tinabig ko siya at kinuha sa maleta ang tuwalya at toiletries bag ko bago dumiretso sa banyo. “I will, Kenny boy.” Wala pang labin-limang minuto ay tapos na `kong maligo at ag toothbrush. Itinapi ko sa katawan ko ang tuwalya habang hinayaan ko namang nakalugay ang basa ko pang buhok. Pagbukas ko ng pinto ay bahagya pa kong nagulat nang makita kong nakatayo sa labas si Ken na may tuwalyang nakasabit sa leeg niya. May bitbit rin siyang maliit na pouch bag sa isang kamay. “Jusko, nagulat naman ako sa `yo!” sita ko sa kanya na parang hindi naman niya narinig. Nakatitig lang siya sa `kin partikular na sa legs ko. “Maligo ko na nga,” sabi ko sabay tulak sa kanya papasok ng banyo. Habang naliligo si Ken ay nag-a-apply naman ako ng mga beauty products na parte ng beauty regimen ko. Nagpapahid ako ng lotion sa legs ko nang bumukas ang pinto ng CR at iluwa niyon si Ken. Nakatapi lang siya ng tuwalya sa ibabang bahagi ng katawan niya at naamoy ko rin ang deodorant niya na Playboy rin. Nang magtama ang mga mata namin ay ngumisi siya bago lumapit sa `kin. At hindi ko na natapos ang ginagawa ko dahil inagaw na niya ang lotion sa kamay ko at bigla na lang iyong ihinagis sa kung saan. Dahan-dahan niya akong ihiniga sa kama habang nakatitig pa rin sa mukha ko. “I’ve been meaning to kiss you kanina pa. Kaso maraming tao sa beach kaya nagtimpi ako. Pero ngayong solo na kita, can I kiss you now?” Bahagya akong ngumiti sa kanya. “Go. Kanina ko pa hinihintay `yang kiss na `yan.” Gumanti naman ng ngiti si Ken habang hinahaplos ng dalawa niyang palad ang magkabilang bahagi ng mukha ko. His touch is light, like he didn’t want to scare me or anything. Unti-unting bumaba ang mukha ni Ken papunta sa mukha ko hanggang sa tuluyang maglapat ang mga labi naming dalawa. His thumbs brushes softly over my cheekbones while pressing our lips together for a passionate kiss that created butterflies on my stomach. The kiss is awesome! And I know that we cannot stop now. My body is screaming for more. At alam kong iyon din ang gusto ni Ken. Ilang sandali pa ay tinatanggal na ni Ken ang pagkakabuhol ng tuwalya sa katawan ko habang ganoon din ang ginagawa ko sa tuwalyang nakatapi sa ibabang bahagi ng katawan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD