CHAPTER 26

797 Words
Someone's P.O.V (Part 2.) Nakayuko lamang ako, hindi ko akalain ito ang mangyayari. “Ma’am ple-please forgive me. Tatanggapin ko po ang parusa, huwag n’yo lang po tanggalin ang scholarship ko ma’am,” pagmamakaawa ko. “Kung ako ang masusunod ipa-expel kita pero I’m not the one to decide this kind of situation. Swerte mo pa rin na makakapag-aral ka pa dito,” paliwanag niya. Pinaalis n’ya na ako pero bago ‘yon ay sinubukan ko magpaliwanag ulit. “H-Hindi po ako ang nagsimula, ma’am. God knows na sinubukan kong ihaba ang pasensya ko. Hindi po maganda ang ginawa nila sa akin kanina kaya pinagtanggol ko lang po ang sarili ko. Bawal po ba ipagtanggol ang sarili kahit sinasaktan ka na at binabastos? Hindi naman po masama ang ipagtanggol ang sarili tama po ba? Kaya bakit kailangan pa po tanggalin n’yo ako ng scholarship?” “Wala na ako magagawa, I decided. Pag inulit mo pa ‘to. Hindi ako magdadalawang isip na i-drop out ka!” “Ma’am parang awa n’yo na po, ang scholarship na lang ang aking inaasahan kung wala ito ‘di po ako makapag-aral.” Oo, mali ang ginawa kong pagsuntok kay Katie pero hindi naman siguro tama kung basta-basta na lang akong tatanggalan ng scholarship. “That’s not my problem anymore. Get out!” malakas na sigaw niya. Kahit anong pilit ko sa pagmamakaawa, wala pa rin ako mapapala kaya umalis na ako. Ang tanga-tanga ko. Sana’di na lang ako nagpadala sa galit ko. This gonna be a lesson learn. Weekend bukas hindi na muna ako uuwi sa Cagayan. Hahanap muna ako na papasukan na trabaho kahit pang gabi lang. Pag day time may schedule ako, wala pang night shift dito sa pinapasukan kong school. What if mamasukan akong katulong then stay in ako kahit papano makapag-aral ako sa umaga. “Excuse me po, mag a-apply po sana ako may vacant po dito? Kahit taga hugas po ng plato or waitress po.” “Meron pero fulltime hinahanap namin dito,” tugon ng staff ng fast food sa Jollibee. “Ganun po ba, okay po. Thank you.” Umalis na ako, sinubukan ko din sa KFC at sa mang-inasal kaso hindi sila tumatanggap ng working student. Kaya tinawagan ko ang aking high school friend kung may alam s’yang mapapasukan kong trabaho. “Hello, Sarah busy ka today? May itatanong lang sana ako sa’yo.” “Hindi naman nasa bahay lang ako. Gusto mo mag meet up na lang tayo? Para makapag usap tayo ng maayos at para makita din kita,” masayang sagot niya sa kabilang linya. “Sa Tom N Toms coffee shop. Sige, bye! See you,” dagdag niya pa. Okay, tamang-tama malapit naman din ako dito. Mauna na ako at doon ko na lang siya hihintayin. Sumakay ako ng tricycle papuntang Vitaliano Agan Ave. Mga 20 minutes nakalipas nakarating na ako. Pumasok na ako sa Coffee shop. After 30 minutes nakarating na si Sarah. Nag wave ako para madali n’ya ako makita. Ang ganda n’ya sa suot na kulay white na fitted dress, naka sneaker shoes at naka-shade. Pinagmamasdan ko na palapit na s’ya. “Hi, bessy!” Nagbeso kami at umupo na. “Best, ano yung sasabihin mo sa’kin?” tanong niya. “By the way best, pasensya ka na wala na talaga akong malapitan. Kailangan ko ang tulong mo kailangan ko kasi ng part time job kahit maid papasukan ko.” “Hindi ba sabi ko pagkailangan mo ng tulong ko sabihan mo lang ako at ‘wag kang mahiya kahit ano pa ‘yan I support you. Naghahanap ng makakasama sina Tito sa bahay nila pwe’de ka doon. I will recommend you kay Tito,” sagot niya. “Thank you talaga best! Hindi ko pa kasi nasasabi kay mama at papa na natanggalan ako ng scholarship, ayaw ko naman mag-alala pa sila.” “It’s ok best, tama lang ang ginawa mo na ipagtanggol ang sarili mo kay Katie.” “Pinagsisihan ko ang nangyari, kaya pag inaway ako iiwasan ko na lang.” “Pag sinaktan ka at pinagbuhatan ng kamay dapat lumaban ka. Iyon ang turo ko sa ‘yo ‘wag mo kalimutan iyon. Sabi ko naman sa 'yo malaki ang pagkakaiba ng Pilar University sa school na pinapasukan mo noon,” mahabang lintaya niya. 2 years ago. Si Sarah na matalik kong kaibigan ay magaling sa pag ma-martial arts. Noon pa man ay naranasan ko na rin ang apihin ng iba pero lagi siyang nandyan sa tabi ko at willing s’yang turuan ako kahit yung mga basic lang para kahit papano raw ay kaya kong ipagtanggol ang sarili ko. “Bessy, sa Monday magkita tayo sa Cafeteria during lunch time.” Napatingin agad ako kay Sarah nang bigla ‘to magsalita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD