PROLOGUE

494 Words
Prologue “Oh ano!? Lalaban ka pa!? Sige, tayo d'yan at lulompuin kita,” pananakot ko at sabay tawa. “S-surrender na ako..” “Huwag muna, gusto ko makipag-date sa ‘yo kaya dapat lumaban ka! Tara para sa round 100, simulan ang laban!!!” “Hoy, nandito ako. Ako ang magsasabi niyan. Okay, for the next round! Round 3 start the game!!” “S-SURRENDER na ako! Ang sakit ng suntok mo–” “Mabuti naman, sige! Simulan na magbilang! Sampu! Siyam!” “Nandito ako, tumahimik ka d'yan. Okay, counting start! Ang nanalo ay si–” Sa ingay ng lugar dito ay bigla na lang tumahimik. May gusto bang lumaban o tutol sa pagkapanalo ko? Hindi ko palalampasin! “Itigil ang kalokohang ito! Lahat kayo huwag gagalaw. Sabihin niyo sa akin kung sino ang pasimuno ng kaguluhan dito...” Sino bang pakialamero ang magpapatigil dito at makakatikim sa akin. “Si M-mayor? A-anong ginagawa–” “Si Mayor nandito!” “Si Mayor nga, takbo na bilis!” Mayor? Sino bang mayor dit– “Hoy! S-saan kayo–pupunta? Ang premyo ko–t-teka lang saglit!” Asan na sila? Ang premyo ko pano na? H-hindi p'wede ang premyo ko pano na!? “Hoy, ikaw. Nasaan ang Mayor na sinasabi niyo ha!? Tingnan mo nagsitakbuhan sila. Iniwan nila ako habang hindi pa binibigay ang premyo ko!” Naiinis kong sabi sabay kinuwelyuhan ang lalaking mukhang naiwan din. “Mayor, ba't pa kayo bumaba. Male-late na kayo sa–” A-ano? M-mayor? S-siya? H-hindi maaari! “S-sorry, ho. H-hindi ko s-sinasadya–” ~ Ang sakit ng ulo ko. Nasaan na ba ako? “Dito lang, manong. Ikaw! Baba na dyan!” “B-bakit kasama kita?” “Ako dapat ang magtanong sa 'yo. Alam mo bang nakakahiya ‘to! Hanggang kailan ka ba ganito!? Hindi ka man lang nahiya dumayo sa ibang Baranggay para makipag-away! Ang mas malala ang Mayor pa nakahuli sa'yo!” “H-huwag mo naman akong sigawan, aksidente ang nangyari–” “Anong aksidente? Mag-isip ka naman ng maayos na idahilan hindi para sa akin kundi para kina Papa. Humanda ka!” “S-sorry na..Alam kong hindi pa nila alam, huwag mo sabihin! Nagmamakaawa ako. Ito na oh luluhod na as you wish, Master.” “May gana ka pang magbiro ng ganyan, mas lalo kitang isusumbong!” “H-hindi nga ako tumatawa,” nalulungkot na sabi ko. “Fine, tumawa ka na.” “Thank you, the best ka talaga!” sabi ko at gumawa ng nakakatuwang itsura. Sabay kaming tumawa pero... “Narinig ko. Magkasabwat pala kayo. Haha, sige. Goodluck sa inyo bye!” T-teka! H-hindi p'wede ‘to!! “A-aray ko, ba't ka ba manununtok–” “Kasalanan mo ‘to! Hindi ko papalampasin ang mangyayari–” “Hehe, buti nga ‘yon. May kasama na ako–A-aray, ang kamay ko. Tama na! T-Tito, tulong!” .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD